• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ngayong buntis at ‘di na puwedeng mag-diet: KRIS, siguradong titigilan na ng mga bashers at body shamers

TITIGILAN na siguro ng mga bashers at body shamers si Kris Bernal ngayon dahil kinumpirma nito na buntis siya sa first baby nila ni Perry Choi.

 

 

Ibinahagi ni Kris ang magandang balita via social media at bongga ang announcement nila ng asawa dahil ginastusan pa nila ang concept ng pregnancy reveal.

 

 

“WE ARE PREGNANT! It happened — we weren’t really ‘trying’ but we were blessed with pregnancy! I can still remember I’ve felt a rush of different emotions when the test showed two lines. I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened,” caption pa ni Kris na nararanasan na ang hirap ng pagkakaroon ng morning sickness sa first trimester ng kanyang pagbubuntis.

 

 

Laging nagiging target si Kris ng bashers dahil sa sobrang kapayatan nito. Kahit na pinapaliwanag ng aktres na masipag siyang mag-workout at mag-diet, pinipilit pa rin ng ilang netizens na may eating disorder siya kaya siya payat.

 

 

Pero ngayon at buntis na si Kris, mababawasan na ang mga magsasabing may eating disorder siya. Hindi nga naman puwedeng mag-diet at masobrahan sa workout si Kris dahil may dinadala na ito sa kanyang tiyan.

 

 

Sinisigurado nga raw ng mister nito na aalagaan niya si Kris at ibibigay nito ang mga gustong kainin ng isang buntis para maging healthy ang kanyang mag-ina. Two years din ang hinintay ni Perry bago nabuntis si Kris.

 

 

Huling napanood si Kris sa Amazon Prime Video original movie na ‘Ten Little Mistresses’.

 

 

***

 

 

BIGGEST achievement nga ng Dubai-based designer na si Ryan Pacioles ang magawan niya ng bonggang gown ang nag-iisang Beyonce Knowles.

 

 

Si Ryan ang creative director ng Atelier Zuhra at sila ang nagbuo ng bright yellow feathered dress ni Beyoncé na sinuot nito noong mag-perform ito sa private party ng Atlantis The Royal Resort in Dubai noong nakaraang January.

 

 

Kuwento ni Ryan: “Our PR company in US asked us to do a design for Beyoncé and they sent some references. And then after that, we did some sketches. Our team carefully thought of how we can make it based on the references they sent. We presented a few designs, and they approved the yellow gown.”

 

 

Hindi naman daw inaasahan ni Ryan na masusuot ang ginawa nilang gown dahil maraming pagpipilian na isusuot si Beyonce sa gabing iyon. Pero noong lumabas si Queen Bey na suot ang yellow gown, nag-viral ito sa social media na ikinatuwa ni Ryan.

 

 

“Ang Queen B lang ang makakaalam kung anong pipiliin niyang suotin. So, expect the unexpected talaga. Then, lumabas na sa mga influencer na may mga kuha pala sila. Alam mo ‘yung you can’t believe? Nakaka-overwhelm ang feeling.”

 

 

Advice nga ni Ryan sa mga aspiring fashion designers ngayon: “You need to build it from scratch. You start creating unique pieces para ma-achieve mo ‘yung expectation ng mga boss mo. Kailangan mo talagang ipakita ‘yung uniqueness ng mga dress na gawa mo. Hindi typical na nakikita nila. You need to make it better para mapasok mo talaga ‘yung gusto mo.”

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ilang beses nang nakaranas ng ‘himala’: NORA, tatlong minutong namatay at milagrong nagkamalay

    PINASIKAT na movie line ni Superstar Nora Aunor ay ang “walang himala” na hango sa kanyang 1982 film na ‘Himala’.      Pero sa tunay na buhay, ilang beses na raw nakaranas ng himala sa kanyang buhay si Ate Guy.     Sa naging kuwentuhan nila ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, […]

  • China handang makipagtulungan sa North Korea para sa regional at global stability

    HANDA si Chinese President Xi Jinping na makipagtulungan kay North Korean leader Kim Jong Un para sa regional and global peace, stability and prosperity ng North Korea.     Ito aniya ang laman ng sulat na ipinadala ng lider ng China sa North Korea.     Hindi na rin binanggit pa ng North Korea ang […]

  • Pagbabalik ng NCAP, inihihirit ng MMDA

    NANANAWAGAN  ang Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na muling ­ipatupad ang ‘No Contact Apprehension Policy’ (NCAP).     Ayon kay MMDA ac­ting chairman Don Artes, lumala ang maraming mga paglabag partikular ang ilegal na paggamit ng mga motorista sa EDSA bus lane simula nang masuspinde ang NCAP.     Umaasa rin si Artes na kaagad […]