Ngayong official artist na ng Star Magic: GARY, nais magsilbing inspirasyon sa kabataan at bumalik sa pag-arte
- Published on April 19, 2024
- by @peoplesbalita
NAGMARKA ng panibagong career milestone ang kilalang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano matapos niyang pumirma bilang official artist ng Star Magic nitong Martes (Abril 16), kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 na taon sa industriya.
Labis ang pasasalamat ni Gary sa patuloy na tiwala ng ABS-CBN nang mapabilang siya sa Star Magic. Para sa kanya, isa umano itong ‘reinvention’ ng kanyang sarili matapos ang apat na dekada sa showbiz.
Nais naman ni Gary na sa pamamagitan ng Star Magic ay magsilbi siyang inspirasyon sa kabataan.
Aniya, “I am into being able to mentor and spend time with younger people, especially with students. I went to various schools, colleges, and universities where I shared my life, and I am going to continue doing that. I have seen the impact on the hearts of these people, and that’s another thing I wanted to do.”
Maliban dito, inamin din ni Gary na bukas siya sa pag-aarte muli sa harap ng camera. Dagdag niya, “My doors are open for other artistic ventures. Like, I don’t mind going back into acting a bit more. If the right opportunity comes, I will certainly keep myself open to that.”
Sa loob naman ng 20 taon, nagsilbing Kapamilya si Gary bilang multi-awarded host at performer sa longest-running musical variety show sa bansa na “ASAP Natin ‘To,” pati naging boses sa likod ng mga theme song ng mga hit teleserye. Hindi rin matatawaran ang dedikasyon niya sa paghubog ng bagong henerasyon ng Kapamilya performers nang magsilbing celebrity mentor at judge sa talent shows na “X Factor Philippines,” “World of Dance Philippines,” “Your Face Sounds Familiar,” “Idol Philippines” at “Tawag ng Tanghalan.”
Kasabay sa kanyang milestone bilang Kapamilya at panibagong Star Magic artist, lalarga naman si Gary V sa kanyang bigating solo concert na “Pure Energy: One Last Time,” ngayong April 26, 27, 8 PM sa SM Mall of Asia Arena. Magkakaroon din ito ng dagdag pang show sa May 10. Para makabili ng tickets, bumisita sa smtickets.com o i-contact ang tickets@garyv.com para sa ibang katanungan.
Samantala, kasama ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan Valenciano pati ang mga anak na sina Paolo at Kiana, pinasinayaan naman nina ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, at manager na si Alan Real ang naganap na pirmahan. Personal ding nag-abot ng kanilang pagbati sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak at chairman Mark Lopez bago ang pagsisimula ng event.
Naghatid din ng tribute performance sina Angela Ken, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sheena Belarmino, at Jed Madela, habang nagbigay rin ng kanilang pagbati ang 40 Star Magic artists sa kanilang all-star video message.
Mapapanood muli nang on-demand ang “The Magic of Pure Energy: Gary V Contract Signing” sa YouTube channel ng Star Magic.
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
(ROHN ROMULO)
-
Tiger Woods pangatlong atleta ng US na nasa billionaires list ng Forbes
KASAMA na si golf star Tiger Woods sa listahan ng bilyonaryo na manlalaro sa buong mundo. Inilabas ng Forbes magazine ang nasabing pagsali ni Woods sa billionaires list isang linggo ng masali si NBA star LeBron James. Base sa Forbes na aabot sa mahigit $1.7 bilyon ang yaman nito na karamihan […]
-
Kahit matagal na siyang freelancer actress: JUDY ANN, ipapaalam pa rin sa ABS sakaling magkaroon ng offer ang GMA
MARAHIL ay marami ang hindi nakakaalam na freelancer bilang artist si Judy Ann Santos. Yes, mula pa noong 2019, habang ginagawa niya ang ‘Starla” sa ABS-CBN ay wala ng kontrata si Judy Ann kahit saan. Kaya naman perfect timing para kay Judy Ann ang pagiging freelancer niya kaya napipili niya ang mga proyektong gusto niyang […]
-
Transgender swimmer sa US na nangibabaw sa NCAA patuloy ang pag-ani ng batikos
PATULOY ang batikos na natatangap ni transgender athlete na si Lia Thomas na nakapagtala ng kasaysayan ng magwagi sa NCAA swimming championship. Si Thomas kasi ang unang transgender athlete na nakapag-uwi ng titulo ng magwagi sa 500 meter freestyle. Isa sa mga naghain ng protesta ay si dating Olympic swimmer […]