• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ngayong Semana Santa: PBBM, hinikayat ang mga katolikong bansa na maging “better agents of change”

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ang mga Katolikong bansa na maging “better agents of change” sa pamamamagitan ng pagkilala pa sa mahal na Poong Hesukristo sa panahon ng paggunita ng Mahal na Araw. 
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na bagama’t ito’y mahirap na maunawaan, ang mensahe ng kaligtasan at buhay na walang hanggan ay “remains as timely as ever.”
“I urge all of us now to make this promise personal: Let it stir in each of us the desire to know Jesus Christ more so that we may become better agents of change and conveyors of truth wherever we go,”  ayon sa Pangulo.
“No matter how constant or diverse the occasion is in the Filipino psyche, one thing emerges true each time: That God, in His divine and everlasting wisdom, manifested His immeasurable and incomparable love to us all through the very human person of Jesus Christ,” diing pahayag ng CHief Executive.
Habang nagtitika, nangingilin ang mga Filipino kasabay ng pagninilay-nilay sa epekto ng matinding pagdurusa at pagkamatay ni Hesukristo, sinabi ng Pangulo na ito’y  “inevitable that our thoughts will gravitate to the events and challenges of recent years.”
Dahil dito, nanawagan ang Pangulo sa mga Filipino na “direct our thoughts and our actions more to the resurrection of the Lord and the victory that this gives us to this very day.” (Daris Jose)
Other News
  • Spa sa QC na pinuntahan ng unang Mpox case sa bansa, ipinasara

    IPINAG-UTOS ng Quezon City Government ang agarang pagpapasara ng AED Infinity Wellness Spa matapos matuklasan na galing dito ang unang pasyente ng MPOX sa bansa.     Dagdag pa riyan ay nadiskubre rin ng Quezon City Government na walang kaukulang business permit ang naturang establisimyento.     Ayon kay Mayor Joy Belmonte, bukod sa wala […]

  • Ads July 15, 2021

  • ‘Biggest attendance pero dapat dumami pa’

    DINUMOG ng mga tagasuporta ni presidential candidate at Bise Presidente Leni Robredo, Linggo, ang Lungsod ng Pasig sa pinakamalaki nilang rally — gayunpaman, hinihikayat ng ikalawang pangulo na lalo pang abutin ang mas marami sa susunod na mga pagtitipon.     Aabot sa 80,000 hanggang 137,000 ang dumalo sa PasigLaban rally noong Linggo, Marso 20 […]