• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ni-launch na ang swimwear line: JULIA, perfect model at suportado ni GERALD

NI-LAUNCH na ni Julia Barretto ang sariling swimwear line na The Juju Club.

 

Perfect timing daw ang paglabas sa publiko ng kanyang sariling swimwear brand dahil summer na at maraming nasa beach ngayon.

 

Sino pa nga ba ang perfect model ng kanyang swimwear kundi siya mismo. Sa kanyang Instagram ay pinost niya ang ilang photos na suot niya ay white two-piece bikini na bagay sa kanyang sexy na katawan.

 

Sa isang bikini photo niya, nag-comment ang boyfriend niyang si Gerald Anderson ng ilang fire emojis.

 

Caption naman ni Julia: “Thank you for your mad support, I sleep with so much gratitude in my heart. I am at a loss for words. I am so overwhelmed, and all in the most positive way. Thank you. This is a dream come true.”

 

Ang maganda sa swimwear line ni Julia ay merong style for every woman’s body. Hindi lang daw para sa may supermodel na katawan kundi para rin sa mga plus-size girls.

 

Mabibili ang swimwear brand ni Julia in neutral colors (black, white, brown) kaya hindi raw intimidating ang style sa mga gustong suotin ito sa beach.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]

  • NAVOTAS TUMANGGAP NG 28 BAGONG SCHOLARS

    MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.     Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.     “We wish to […]

  • Marcial kumukuha ng mga ideya sa NBA para sa PBA

    BANTAY-SARADO sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nagaganap sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season games hinggil sa mga patong-patong na kaso na may kinalaman sa Coronavirus Disease 2019.   “Minamatyagan namin nang husto kung ano ginagawa nila,” bulalas kahapon ni Commissioner Wilfrido Marcial. “Kung may maganda, i-a-adopt namin sa PBA.”   Mas […]