• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nicanor hahabol sa 32nd Summer Olympic Games

MAY anim na eskrimador, sa pangunguna ni 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’sindividual sabre gold medalist Jynlyn Nicanor ang balak paeskrimahin ni Philippine Fencing Association Inc. (PFAI) President Richard Gomez sa Olympic Qualifying Tournament na nakatakda sa Abril 15-22 sa Seoul, South Korea.

 

 

Sa pangangalaga ni coach Rolando Canlas Jr., ang iba pang miyembro ng koponan ay sina SEA Games women’s team epee gold medalist member Haniel Abella, SEAG individual foil bronze winner Samantha Kyle Catantan;

 

 

Men’s individual sabre silver medalist Christian Jester Concepcion, men’s individual bronze medalist Noelito Jose Jr. at men’s individual foil third placer Nathaniel Perez.

 

 

Pero bago lumusob ng Korea OQT, sasailalim muna ang PH squad sa two-month bubble training sa Ormoc City kung saan alkalde si Gomez sa darating na Pebrero 6-Abr. 6 sa pag-ayuda ng Philippine Sports Commission (PSC). (REC)

Other News
  • Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa

    AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan.   Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon.   Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]

  • Ravena maglalaro pa sa NLEX bago tuluyang sumabak sa Japan

    Maglalaro pa sa NLEX Road Warriors si Kiefer Ravena sa season-opening ng PBA Philippine Cup.     Ito ay bago ang kaniyang pagtungo sa Japan para maglaro sa Shiga Lakestars team sa B-League.     Nagkausap na rin kasi ang 27-anyos na si Ravena at NLEX coach Yeng Guiao sa kasagsagan ng training camp nila […]

  • Fernando, binalikan ang mga nagawa ng Bulacan laban sa pandemya

    LUNGSOD NG MALOLOS- Binalikan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga maagap na inisyatibo ng Bulacan na naging dahilan upang mapagtagumpayan ang laban sa pandemyang COVID-19 sa ginanap na 11th Joint Meeting of the Response, Law and Order, and Recovery Clusters ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 sa pamamagitan ng aplikasyong Zoom kahapon.     […]