• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nievarez pasok sa Tokyo Olympics

Si national rower Cris Nievarez ang pang-walong Pinoy athlete na sasabak sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

Ito ay matapos ilabas ng World Rowing Federation (WRF) ang final list ng mga qualified rowers para sa 2021 Tokyo Olympics kung saan nakasama ang pangalan ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist.

“We are happy to share that the Philippine Rowing Association received confirmation from World Rowing that we have qualified for the Men’s Single Sculls (M1x) for the Tokyo Olympic Games,” pahayag ng PRA sa kanilang social media account.

“I know that Cris and the entire rowing team worked hard for this. It is well-deserved,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramiez.

Makakasama ng 21-anyos na rower sa 2021 Tokyo Olympics sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver me­dalist Hidilyn Diaz ng weightlifting, Ernest John Obiena ng pole vault, Carlos Edriel Yulo ng gymnastics at Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

Lumahok si Nievarez sa nakaraang Olympic quali­fying at tumapos siya sa fifth place sa semifinals kung saan ang top three finishers ang papasok sa Final A na nagbibigay ng automatic berths para sa 2021 Tokyo Games.

Other News
  • Bello binakunahan, hinikayat ang nasa priority group na magpabakuna din

    Binakunahan si Labor Secretary Silvestre Bello III ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa Ilagan City, Isabela nitong Sabado, ulat ng DOLE regional office 2.     Ang bakuna ay pinangasiwaan ng kawani mula sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC), na siyang tumulong sa labor secretary sa paghahanda at aktwal na pangangasiwa ng bakuna.     Kabilang […]

  • Ads February 25, 2020

  • Paras at Nabong kinuha ng Blackwater

    Nakuha ng Blackwater sina Andre Paras at Kelly Nabong bilang bagong player sa pagsisimula ng bagong season ng PBA.     Ayon kay Blackwater team owner Dioceldo Sy na pumirma ng dalawang taon na kontrata si Paras sa halagang P3-milyon sa koponan.     Nakita ni Sy ang talento ni Paras sa basketball at umaasa […]