‘Nika,’ lumakas: Signal No. 2 sa 8 lugar
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG lumakas ang Severe Tropical Storm Nika kasabay ng pagkilos nito pakanlurang bahagi ng Philippine Sea sa silangan ng Quezon.
Sa update ng PAGASA bandang alas-2 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo 425 kilometro ang layo sa silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110km per hour at pagbugso na 135 kph. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 30 kph.
Itinaas na sa Signal No. 2 ang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang lugar sa Luzon kabilang ang Northern at central portions ng Aurora; Isabela; Quirino; Southern portion ng Cagayan; Nueva Vizcaya; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; Eastern portion ng Benguet; Northern portion ng Nueva Ecija at Northeastern portion ng Pangasinan.
Posibleng mag-landfall si Nika sa Isabela o Aurora ngayon umaga o bago magtanghali, Nobyembre 11.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si ‘Nika’ tanghali o gabi ng Nob. 12. (Daris Jose)
-
Ads September 26, 2023
-
Ads June 24, 2021
-
Rizal Province, Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years!
Congratulations Rizal Province for being the Top 1 Most Competitive Province in the Philippines for 5 consecutive years! Malugod ding pagbati sa Antipolo City na tinanghal sa pangatlong pagkakataon na Top 1 Most Competitive Component City in the Philippines at sa Cainta at Taytay bilang Top 1 at Top 2 Most Competitive Municipalities (first-second class) […]