• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nilunok ang pride para maka-survive sa Amerika: PACO, binalikan ang paghihirap sa pagiging kargador, kahero at tagalinis ng banyo

KINUWENTO ng Introvoys member na si Paco Arespacochaga ang naging buhay niya sa Amerika noong magdesisyon siyang iwan ang Pilipinas noong 2001.

 

 

Sa programang ‘Magandang Buhay’ ay ni-reveal ni Paco na hindi natuloy ang dapat na pagtrabaho niya sa isang international record label dahil wala siyang mga legal documents. Dahil sa kahihiyan ay tinuloy na lang ang mamuhay sa Amerika.

 

 

“Pupunta na ako sa States para mag-work dito sa international record label. Pagdating ko roon nag-sign na ako ng form, ipinatawag ako ng HR kasi sabi nila, ‘We need your US social security number.’ Sabi ko, ‘I only have my Filipino social security SSS.’ ‘Are you a citizen or green card holder?’ Sabi ko ‘No, I am a tourist.’

 

 

“Nakita ko na ‘yung mukha nag-iba. In other words, hindi ako natanggap, hindi ako eligible to work. Pero na-announce ko na sa Pilipinas na successful ako, ayaw ko bumalik. So diniretso ko na, wala sa intensiyon ko na iwanan ang career para gawin ‘yung ginawa ko sa Amerika,” kuwento ni Paco.

 

 

Nilunok ni Paco ang kanyang pride at tumanggap ng kung anu-anong trabaho para maka-survive sa Amerika.

 

 

“Naging kargador ako roon kasi hindi ako natanggap sa label. Ang ginawa ko ayaw ko umuwi, so nagtrabaho ako as kargador for a beauty warehouse. Tapos noon nagtrabaho ako sa electronic store. Sa electronic store naging kahero ako roon.

 

 

“Sa beauty warehouse hindi ko makakalimutan ‘yun jetlag ako umiiyak ako dahil sabi ng manager ko, ‘dati napapanood kita sa TV ngayon tauhan kita.’ So kailangan kong kainin ang pride na ‘yon, nilamon ko ‘yung pride na ‘yon talaga.

 

 

“Doon sa electronic store naman, six hours kahero, one hour taga-collect ka ng push carts, isang oras taga-linis ka ng bathroom at taga-balik ng product. Habang naglilinis ako ng bathroom, may mga Pinoy nakita ‘yung name tag ko.

 

 

“Sabi, ‘oh si Paco Arespacochaga pala ito’ sabay umihi sa sahig. ‘O pre linisin mo ito kung hindi ire-report ka.’ Totoo ‘yon. I mean don’t get me wrong, it’s not all Pinoys but there are rotten apples everywhere and to think na while that was happening I was newly remarried so mayroon akong domestic challenges tapos mayroon akong personal career challenges, so puro challenges lahat ‘yon.”

 

 

Ngayon ay maganda na ang buhay ni Paco sa Amerika at muling nabuhay ang pagiging musikero niya dahil sa mga reunion shows nila ng Introvoys. Pinasikat ng kanilang banda noon ang mga songs na “Kailanman”, “Di Na Ako Aasa Pang Muli” at “Line To Heaven”.

 

 

Bukod sa anak niyang si Heaven kay Geneva Cruz, may apat siyang anak sa misis niyang si Cristina.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • P20/kilo ng bigas, hindi pa posible sa ngayon – DA chief

    AMINADO ang bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi pa posibleng ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kampanya na P20 kada kilo.     Subalit hangad pa rin aniya ng ahensiya na maibaba ang presyo ng […]

  • Pagsuspinde sa sesyon ng Kongreso ni Cayetano, isang astute political move-Sec. Roque

    PARA sa Malakanyang, isang matalinong political move ang ginawa ni House Speaker Alan Peter Cayetano nang biglang pagtibayin sa ikalawang pagbasa ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Act at suspendihin ang sesyon ng Kongreso hanggang Nobyembre 16.   Ayon kay Presidential Spokes- person Harry Roque, “House Speaker Alan Peter Cayetano’s move to […]

  • Pagkuha ng booster shots iligal – Sec. Galvez

    Muling binigyang-diin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito G. Galvez, Jr. na iligal at mahigpit na ipinagbabawal ang pagkuha ng booster shots sa bansa gamit ang Covid-19 vaccines na binili ng national government lalo na at nasa 10 percent pa lamang sa buong populasyon ng Pilipinas ang fully […]