• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ninang na si Ana, nagregalo ng white piano: Anak nina DINGDONG at MARIAN na si ZIA, posibleng maging classical singer

NAGKAROON ng bonggang launching ang Vivamax para sa napakarami nilang naka-lineup na bagong movies and series for streaming simula ngayong summer.

 

 

Napaka-successful naman kasi ng Vivamax dahil simula lang nang ilunsad ito nitong pandemic, it became the number 1 local streaming platform with 3 million subscribers at parami pa nang parami.

 

 

Isa ang actor na si Baron Geisler sa mga artistang umattend sa ginanap na launching ng Vivamax.

 

 

Si Baron pala ang graduate na ng degree for Theology, pero may paliwanag siya sa kanyang Facebook post tungkol dito.

 

 

Sey ni Baron, “Guys, I appreciate your congratulatory messages but I really did not work that hard to earn a degree in Theology, I take it as a blessing. I am still a work in progress. I’m still in treatment for my alcohol addiction, hoping that I will get better roles in the future.

 

 

At dahil nga gusto raw niyang i-practice talaga ang kanyang belief bilang isang Christian, umaasa raw si Baron na mabibigyan siya ng Viva ng mga movies na hindi lang pagpapa-sexy o ayon sa kanya ay soft porn.

 

 

     “Hopefully, Vivamax will create movies that promote good family values and not just soft porn content for the reason that sex sells. Invest on acting workshops and character development.      “It is contradictory to my beliefs as a Christian and my image as a transformed family man. I am not proud of it and it’s taking a toll on my marrige, from my wife who is demanding for an annulment. God bless us all!”

 

 

***

 

 

ANG bongga ni Ana Feleo dahil mukhang gusto nitong ma-inspire at ma-influence ang kanyang inaanak na si Zia Dantes, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na tulad niyang isang classical singer ay mahilig din sa music talaga ang inaanak.

 

 

Niregaluhan ni Ana si Zia ng isang bonggang white piano at mukhang gustong-gusto naman ni Zia. Napa-“Oh, it’s a piano!” ang bulalas ni Zia nang makita ang mahabang kahon na regalo sa kanya.

 

 

At sa Instagram caption ni Ana, sinabi niya na, “Laking tanggal sa pagod ko. To see her get excited about making music, and to know that even from a distance, I’m part of that journey, makes me so proud.  Love you my inaanak. Enjoy your very firt piano.”

 

 

***

 

 

MATURE relationship daw ang meron sa pagitan ngayon nina Ruffa Gutierrez at isa sa tumatakbong Senador na si Herbert Bautista.

 

 

Ito ang naging pahayag ni Ruffa sa naging pre-launch ng kanyang bagong business venture, ang “Gutz and Glow” na isang beauty & lifestyle brand.

 

 

At ayon kay Ruffa, madalas daw kapag dumadalaw sa bahay niya si Herbert, minsan daw ay umaabot ng pitong oras na nag-aaral lang sila.

 

 

Yes, si Herbert din ang nakapag-motivate kay Ruffa na tapusin niya ang kolehiyo at ngayong July ay ga-graduate na siya ng kursong Communication Arts.

 

 

Kaya sey namin kay Ruffa, sa kabisihan ni Herbert ngayon, parang siya ang pangtanggal ng stress nito.

 

 

“Sana,” nakangiting sagot naman niya.

 

 

“Hay naku, tanungin mo siya. Grabe naman! A lady should not answer,” sabi pa rin niya na natatawa.

 

 

Okay rin naman daw ang nanay niya, si Tita Annabelle Rama kay Herbert. Wala naman daw itong violent reaction.

 

 

“At saka, magkakilala na kasi sila before pa. Sometimes he will go to the house and visits my mom and dad na hindi ko alam ha, hindi niya sinasabi sa akin.

 

 

     “Tatawag na lang sa akin, hulaan mo kung sino nandito, kakaalis lang. Nagdala siya ng pagkain. Dalawang oras siya rito.    

 

 

“Sino? Si Mayor! Really!,” lahad pa niya.

 

 

Big word para kay Ruffa nang tanungin namin kung ano ang nakapagpa-in-love sa kanya kay Herbert. So, binago namin ang term at sinabi na lang na nagustuhan niya rito.

 

 

Una raw, matalino at matagal na niyang kaibigan. Matagal ko na siyang kakilala. Bukod sa wala raw silang stress talaga together.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Colleges, universities planong lagyan ng ‘Register Anywhere’ ng Comelec

    PLANO ng Commission on Elections (Comelec) na maglagay pa ng mas ma­raming site para sa Register Anywhere Project (RAP) nito, partikular sa mga kolehiyo at unibersidad. Sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na kasaluku­yang nakikipag-ugnayan sila sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para magkaroon ng RAP ang ilang kolehiyo […]

  • Isiniwalat din ang mga pinagdaanan sa buhay: KARLA, inamin kay KORINA na masaya sa partner na gustong makasama sa pagtanda

    SA latest episode ng ‘Korina Interviews’ ng NET25 na napanood kahapon (Dec. 11), may inamin si Karla Estrada kay Korina Sanchez-Roxas.   “Masayang-masaya ang puso ko, ang tagal mo namang magtanong, ” natatawang tugon ni Queen Mother kay Ate Koring dahil in love na in love siya sa kanyang partner.   “Oo, hindi ako napapagod […]

  • ARTA Chief Lauds BOC for Efforts Against Red-tape

    THE Bureau of Customs (BOC) was recognized by the Anti-Red Tape Authority (ARTA) Director-General Jeremiah B. Belgica during his visit to the BOC yesterday, February 26, 2020, for its efforts to simplify frontline processes, automate systems and implement a zero-contact policy in compliance with ARTA’s thrust to reduce red tape and expedite government processes.   […]