Ninoy Aquino International Airport (NAIA), isapribado suhestiyon ni Chairman Joey Salceda
- Published on June 2, 2022
- by @peoplesbalita
SUHESTIYON ito ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda upang makalikom ng malaking kita ang susunod na pamahalaan at bilang tugon na rin sa kung papaano makakaluwag ang bansa mula sa epekto sa pinansyal ng COVID-19 pandemic.
Ngunit paglilinaw ni Salceda, ang iminumungkahing privatization sa NAIA ay hindi nangangahulugan na tuluyang pagbebenta sa pag-aari ng gobyerno.
Maaari aniyang i-adopt ang ginamit na approach sa New Clark City International Airport kung saan kumikita ang pamahalaan sa pagbebenta ng development rights, pagpaparenta at sa iba pang bagong business activities.
Dagdag ni Salceda, aabot sa 625 hectares ang NAIA na doble sa laki ng Bonifacio Global City (BGC).
Maaari aniyang bumuo ng master-plan para sa mga espasyo tulad ng “in-city housing”, parke, pampublikong transportasyon at iba pang public spaces.
Base sa pag-aaral na ginawa, ang redevelopment ay maaring magpasok ng P5.4 trillion na kita sa pamahalaan. (ARA ROMERO)
-
Magpi-premiere ang six movies sa Nagoya: Direk NJEL, patok sa box-office sa international film festival sa Japan
SA Nagoya ang isa sa may pinaka-maraming Pilipino sa Japan, kaya naman isinali ng award-winning director na si Direk Njel de Mesa ang kanyang pelikula sa Jinseo Arigato International Film Festival. Pero nagulat pa rin si Direk Njel nang pagkakaguluhan ang kanyang mga obra doon. “Tila nagustuhan ng mga Pilipino at Nihonjin ang […]
-
Nacionalista suportado na ang kandidatura nina BBM-Sara Duterte sa Mayo
PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise. “For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr for President and Inday […]
-
Matagumpay, produktibong pakikibahagi ni PBBM sa ASEAN Summit pinuri ni Speaker Romualdez
BINATI ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa matagumpay at produktibong paglahok nito sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summits and Related Summits na ginanap sa Laos kamakailan. Ayon kay Speaker Romualdez, ang istratehikong diplomasya ng Pangulo ay nagresulta makabuluhang tagumpay para sa pambansang interes ng bansa, partikular sa […]