• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nire-recruit na maging part sa pagpuksa sa ‘dogs slaughter’: KORINA, nagpaka-fangirl kay RAYMOND at nalamang dream maging ‘superhero’

NAGPAKA-FANGIRL si Korina Sanchez at may nalaman siya tungkol sa lovelife ni Raymond Bagatsing.

 

 

“I admit. I admire only a few actors. Ilan lang na artista ang hinahangaan ko. And bilib ako kay Raymond Bagatsing”, ayon sa veteran broadcaster sa kanyang recent interview with the award winning actor.

 

 

Sino ba ang nakakaalam?

 

 

Raymond Bagatsing is a doting elder brother. Isa siyang health fanatic na kayang magluto ng pinakamasarap na vegetarian dish.

 

Iniwan niya ang promising Hollywood break para muling sumabak sa pag-arte sa Pilipinas.

 

 

Isa nga sa pinakamagandang nagawa ni Raymond ang ‘Quezon’s Game’ na gumanap siya bilang Pres. Manuel L. Quezon, na kung saan pinuri ang kanyang pag-arte.

 

 

Maging si Korina, ay ito ang pinaka-favorite na movie na nagawa ni Raymond.

 

 

Inamin ni Raymond sa interview na, “as an actor, parang hindi na ako naghahangad, kung ano na lang dumating sa akin na roles, if I’m interested, I’ll do it.

 

 

“Kasi nga marami na akong pinagdaanan, but i really want to be superhero.”

 

 

In love siya sa isang babae na taga-Dumaguete, at love na rin niya ang naturang lugar. Na kung saan isa rin pala siyang diver tulad ni Korina, pero kailangan pa niyang i-explore ang magandang tourist spot.

 

 

“My heart is in Dumaguete,” pag-amin pa niya na super happy sa kanyang karelasyon na two years na.

 

 

Say naman ni Korina sa naturang interview niya sa aktor, “Just a few of the lesser known facts about Raymond you’ll discover in our next episode. I had a really great afternoon at Raymond’s penthouse pad with his dog and cat and his cooking.”

 

 

Isa pa napag-usapan ang pagmamahal nila sa mga aso at pusa. Ang ganda ng kuwento ni Selda, na sobrang sweet daw ng mountain dog, na isa raw oldest specie sa Pinas, ayon sa isang historian.

 

 

Kaya sinabi ni Ate Koring na, “I’m going to be recruiting Raymond to help me out with this bill in Congress to finally ends dogs slaughter. Because in this country, marami pa ring kumakain ng aso, bawal na po ‘yan! It’s a criminal act and it’s so inhuman.

 

 

“So, I’m going to be recruiting you and we will make an appearance in Congress.”

 

 

Bida rin si Raymond sa isang teleserye na malapit nang ipalabas sa NET25 na tinatawag na “GoodWill.”

 

 

Si Raymond nga ang ikatlong guest ni Sanchez sa kanyang newest show na ‘Korina Interviews’ na napapanood tuwing Linggo sa NET25 5pm.

 

 

Maaari ring balikan ang buong episode ng show sa https://www.youtube.com/watch?v=rFjFc8xHyqM&t=2553s

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Sa Christmas concert special nila ni MATTEO: SARAH, matutupad na ang dream na maka-duet si JOSE MARI CHAN

    MATUTUPAD na ang matagal nang pangarap ni Sarah Geronimo na maka-duet si Jose Mari Chan sa magaganap na Christmas concert special nila ng mister na si Matteo Guidicelli na Christmas With The G’s.     Ayon kay Sarah, paborito niyang Christmas song ang “Christmas In Our Hearts” noong bata pa siya kaya lagi niya itong […]

  • JOHN LLOYD, binigyan ng kakaibang importansiya at payo si JOSHUA

    WALA pa rin kupas ang isang John Lloyd Cruz.     Kahit na tatlong taon din yata na nag-leave ito sa showbiz, tila nasasabik pa rin sa kanya ang mga tagahanga niya.     Pinagkaguluhan si John Lloyd ng mga fan niya sa Sorsogon. Kasalukuyang nasa naturang probinsiya ang actor para sa shooting ng Servando […]

  • Nagpagupit sa well-known hair salon: MAINE, iniyakan at tila pinagsisihan ang kanyang short haircut

    SA latest X post ni Maine Mendoza-Atayde, parang nagsisisi raw ang asawa ni Cong. Arjo Atayde sa pagpapagupit ng maikli sa ibang bansa. Ayon sa post ng host ng ‘Eat Bulaga’, “When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the […]