• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer

BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).

 

Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. Pangilinan o MVP Group pero hindi pa nagkaayusan ang magkabilang panig dahil binabarat ito ng buyer.

 

“Actually may mga buyer na pero binabarat nga lang ang NLEX. May isang halos done deal na, pero inaalam pa ‘yung ibang mga detalye hinggil sa iba’t ibang kontrata ng mga player,” patuloy ng source.

 

Una kumalat sa social media ang posibilidad na magkaroon ng isang independent team sa professional cage league may ilang araw pa lang ang nakalilipas

 

“Inilalako na nga ang team pero wala pang takers. Masyadong malalaki kasi ang sahod ng mga player kaya binabarat ng mga gustong bumili,” panapos ng espiya.

 

Inihayag naman nina PBA Commissioner Wilfrido Marcial at Road Warriors coach Joseller Guiao na wala pang pasabi ang mga boss ng team para sa nasabing pagbabaneta.

 

“Wala pang formal or informal notice na ipinapadala sa akin,” pahayag ni Marcial. “Usually, dapat mayroong ipinapadala sa atin na information, formal or informal if there are such move. But as of now, wala pa naman sa atin na ipinapaalam ang mga official ng team.”

 

“Wala pa akong alam. Sino nagsabi?,” tugon ni Guiao. “Ahh kung ganun, wala sa level ko ang usapan na yan. Mga bossing dapat tanungin ninyo.” (REC)

Other News
  • May ‘good vision’ kahit baguhan lang sa pulitika… ARJO, dream talaga na maging isang mabuting public servant

    HINDI na bagito sa acting si Migs Almendras.      May acting experience na siya sa pelikula, TV, teatro at commercials.     Winner siya ng Best Actor Award mula sa ALIW para sa mahusay niyang performance sa stage play na ‘Under My Skin.’     Nakalabas na rin siya sa BL film na Hello […]

  • China envoy, masaya dahil mapayapang nakapangingisda ang mga mangingisdang Pinoy, tsino sa South China Sea at West Philippine Sea

    SINABI ni Chinese Ambassador Huang Xilian na masaya siya na magkasundo  na nangingisda mga mangingisdang Filipino at intsik sa South China Sea at West Philippine Sea.     Sa lingguhang Pandesal forum, tinanong si Huang kung ano ang gagawin ng Chinese government para mapahusay ang situwasyon ng mga filipinong mangingisda sa pinagtatalunang lugar sa South […]

  • Kaya patuloy na mapapanood sa mga sinehan: ‘Balota’ ni MARIAN, top grosser sa opening week sa big screen

    HINDI nakalimutang alalahanin ni Andi Eigenmann ang yumaong inang si Ms. Jaclyn Jose nung kaarawan nito last October 21.   Sixty-one years old na sana si Jaclyn kung nabubuhay pa ito. Pumanaw ang award-winning actress noong March 2, 2024 dahil myocardial infarction or heart attack.   Nag-post si Andi ng throwback photo nila ni Jaclyn […]