No. 1 most wanted ng Malabon, nalambat sa Bulacan
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Malabon City matapos matunton ng pulisya kanyang lungga sa Marilao, Bulacan.
Pinuri ni National Capital Region Police Office, Chief, P/ MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Warrant and Sub- poena Section at Intelligence Section ng Malabon Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni city police chief P/Col. Jessie Tamayao dahil sa pagkakaaresto kay Elizalde Leo, 33, residente ng Flovi Homes, Brgy. Tonsuya alas-5 ng hapon sa Brgy. Loma De Gato, Marilao Bulacan.
Ang pagkakaaresto sa suspek dahil sa tip na natanggap ni Col. Tamayao mula sa isang impormante hinggil sa pinagtataguang lungga ni Leo kaya’t agad niyang inutusan ang Tracker Team ng Intelligence Section para alamin ang naturang report.
Matapos ang dalawang linggong surveillance at monitoring, nakumpirma ng Tracker Team lungga ng akusado sa Brgy. Loma De Gato.
Kaagad nakipag-uganayan ang mga operatiba ng Malabon police sa Marilao Police Station saka isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Misael Ladaga ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 292 para sa kasong homicide kontra sa akusado.
Ipinabatid sa suspek ang kanyang mga karapatan sa konstitusyonal nang siya ay arestuhin bago dinala sa Malabon City Police Station Custodial Facility para pansamantalang pagkakulong habang hinihintay ang pagpapalabas ng utos mula sa korte.
“Team NCRPO’s relentless campaign against Most Wanted Persons has arrested a lot law offenders in the Metro and even the neighboring provinces. Rest assured that we will not slacken in this fight but instead intensify our efforts to finally give justice to their victims,” ani MGen. Sinas. (Richard Mesa)
-
‘Byahe ni Kiko’ umarangkada, solusyon sa gutom at mataas na presyo ng pagkain
UMARANGKADA na noong linggo ang “Byahe ni Kiko: Hello Pagkain, Goodbye Gutom” caravan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, kung saan bitbit nila ang seguridad sa pagkain ng mga Pilipino bilang mahalagang isyu sa halalan sa Mayo. Sa pagtakbo niya bilang bise presidente, iginiit ni Pangilinan na ang isyu ng pagkain ay dapat nasa […]
-
Window hour scheme para sa mga provincial buses, pinaiimbestigahan
PINAIIMBESTIGAHAN ng mga mambabatas ang ipinatutupad na window hour scheme para sa mga provincial buses makaraang ma-stranded ang maraming pasahero sa mga bus terminals nitong nakalipas na linggo. Sa House Resolution No. 2562, hiniling nina Bayan Muna Reps. Eufemia Cullamat, Carlos Zarate, at Ferdinand Gaite sa House Committee on Transportation na siyasatin ang […]
-
WHO naalarma na, 180,000 healthcare workers namatay dahil sa COVID-19
Nababahala na ang World Health Organization (WHO) na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo kapag kulang ang bakunahan. Sinabi ni WHO head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na kailangang prayoridad na bakunahan ang mga healthcare workers dahil nasa 80,000 hanggang 180,000 na ang mga healthcare workers na namatay […]