• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 1 most wanted ng Malabon, nalambat sa Bulacan

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng Malabon City matapos matunton ng pulisya kanyang lungga sa Marilao, Bulacan.

 

Pinuri ni National Capital Region Police Office, Chief, P/ MGen. Debold Sinas ang mga operatiba ng Warrant and Sub- poena Section at Intelligence Section ng Malabon Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni city police chief P/Col. Jessie Tamayao dahil sa pagkakaaresto kay Elizalde Leo, 33, residente ng Flovi Homes, Brgy. Tonsuya alas-5 ng hapon sa Brgy. Loma De Gato, Marilao Bulacan.

 

Ang pagkakaaresto sa suspek dahil sa tip na natanggap ni Col. Tamayao mula sa isang impormante hinggil sa pinagtataguang lungga ni Leo kaya’t agad niyang inutusan ang Tracker Team ng Intelligence Section para alamin ang naturang report.

 

Matapos ang dalawang linggong surveillance at monitoring, nakumpirma ng Tracker Team lungga ng akusado sa Brgy. Loma De Gato.

 

Kaagad nakipag-uganayan ang mga operatiba ng Malabon police sa Marilao Police Station saka isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Misael Ladaga ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 292 para sa kasong homicide kontra sa akusado.

 

Ipinabatid sa suspek ang kanyang mga karapatan sa konstitusyonal nang siya ay arestuhin bago dinala sa Malabon City Police Station Custodial Facility para pansamantalang pagkakulong habang hinihintay ang pagpapalabas ng utos mula sa korte.

 

“Team NCRPO’s relentless campaign against Most Wanted Persons has arrested a lot law offenders in the Metro and even the neighboring provinces. Rest assured that we will not slacken in this fight but instead intensify our efforts to finally give justice to their victims,” ani MGen. Sinas. (Richard Mesa)

Other News
  • Random manual audit, 99.9% ang match rate sa automated tally – Comelec

    AABOT sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally.     Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa […]

  • Pagtaas sa presyo ng langis, gawin ng “staggered basis”

    MULING nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga local oil firms na maghanap ng paraan na magpapagaan sa sunud-sunod na pagtaas sa domestic pump prices na makagiginhawa sa epekto na tumama sa mga consumers.     Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, hiniling ng departamento sa mga kimpanya ng […]

  • Abalos kay Azurin, CCTV footage “speaks for itself”

    SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang  CCTV footage ay “speaks for itself” sa di umano’y  cover-up attempt o pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre 2022 lalo na ang  nakulimbat na P6.7 bilyong halaga ng shabu ng ilang pulis.     Ang pahayag na ito ni Abalos ay […]