No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD
- Published on January 20, 2021
- by @peoplesbalita
Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.
Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.
Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang ang suspek sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).
Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.
Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga myembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.
Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.
Nabatid na ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas. (Richard Mesa)
-
VP Sara kinumpirma nilulutong impeachment laban sa kanya
MISMONG si Vice President Sara Duterte ang kumumpirma na may nilulutong impeachment complaint laban sa kanya sa House of Representatives (HOR). Ayon kay Duterte, mayroon pa naman silang mga kaibigan sa Kamara na nagpaparating sa kanila ng balita. Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos dumalo sa budget hearing […]
-
Celtics inangkin ang 2-1 bentahe
NAGPASABOG sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 53 points para banderahan ang Celtics sa 116-100 paggiba sa Golden State Warriors sa Game Three ng NBA Finals sa TD Garden. Bumalikwas ang Boston mula sa kabiguan sa Game Two sa San Francisco para kunin ang 2-1 lead sa kanilang best-of-seven series ng […]
-
MPBL bongga pagbalik – Pacquiao, Duremdes
NAKATENGGA ang 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2019-20 Lakan Cup dahil sa pandemya nang mag-lockdown ang bansa at magkanselasyon ng lahat ng sports event sapul pa noong Marso 2020. Pero ipinahayag nito lang isang araw nina MPBL CEO/founder Sen. Emmanuel Pacquiao at Commissioner Kenneth Duremdes na wala sa plano ang pagtiklop ng […]