• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 1 most wanted ng NCRPO timbog ng NPD

Arestado ang isang tinaguriang No. 1 Most Wanted Person ng National Capital Region Police (NCRPO) sa ikinasang Oplan Pagtugis at Saliksik ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa Parañaque city.

 

Kinilala ni NPD Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong suspek na si Ronnie Bolista, 37 at residente ng 2 Adelpa St. Tanza 1, Navotas City.

 

Sa report ni BGen. Cruz kay NCRPO Chief PBGen. Vicente Danao Jr., dakong 5:20 ng hapon nang matimbog ng pinalakas na Intelligence Driven manhunt Operation ng NPD DID sa pangunguna PLTCOL Allan Umipig at P/Maj. Herman Panabang ang suspek sa Sto. Niño St., San Antonio Valley 6, Brgy. San Isidro, Parañaque City sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Judge Pedro T Dabu ng Malabon RTC Branch 170 para sa kasong Double Murder at Frustrated Murder (No Bail).

 

Katuwang ng mga tauhan ng NPD DID-Tracker Team ang NCRPO Intelligence unit RID at RIU sa pinalakas na Oplan Pagtugis laban sa mga Most Wanted Person base sa direktiba ni NCRPO Chief.

 

Kaugnay nito, pinuri ni NCRPO chief Danao ang mga myembro ng operating team na masigasig na nagsagawa ng Oplan Saliksik na nagresulta sa pagkadakip sa suspek.

 

Dinala ang suspek sa NPD-DID para sa proper documentation at disposition.

 

Nabatid na ang insidente ng pagpatay ay naganap sa Lungsod ng Navotas, limang taon na ang nakalipas. (Richard Mesa)

Other News
  • Christmas convoy, magpapatuloy sa PH-occupied areas sa WPS

    TULOY ang  “Christmas Convoy” na inorganisa ng  civilian organization para  sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea (WPS).     Iyon nga lamang kailangang sundin ng mga lider ng organisasyon ang posisyon ng gobyerno na hindi sila pupunta sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal sa  WPS  dahil sa security reasons.   […]

  • Top 2 most wanted person ng Hernani MPS, timbog sa Caloocan

    MAKALIPAS ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas, naaresto na ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang kelot na wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar.     Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P?lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Nelson Alidon, […]

  • 3 PATAY SA PANANAKSAK SA LOOB NG SIMBAHAN SA FRANCE

    PATAY ang tatlong katao matapos na sila aypagsasaksakin sa Notre Dame Basillica sa Nice, France.   Isa sa mga biktima na babae ay ginilitan ng leeg habang ang dalawa na binubuo ng babae at lalaki ay napatay matapos tadtarin ng saksak ng suspek.   Nabaril naman ng kapulisan ang suspek at kanila ng nasa kustodiya. […]