• January 9, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 4 most wanted person ng Malabon, timbog

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section, (WSS) na naispatan sa kanilang lugar sa Brgy. Ibaba ang presensya ng 22-anyos na akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod.
          Agad bumuo ng team ang WSS, kasama ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS7) at District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD saka ikinasa ang police operation na nangresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:20 ng hapon sa Camus Extension, Bgry. Ibaba.
          Ang akusado na nakatala naman bilang top 5 MWP sa NPD ay pinosasan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 289, Malabon City para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
          Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang dedikasyon at mabilis na pagkilos ng lahat ng unit na nagsama-sama para masiguro ang matagumpay na operasyong ito.
Aniya, manatiling matatag sa ang NPD sa pangako nito sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Dagdag niya, ang patuloy na pakikipagtulungan sa komunidad at stakeholder ay isang pundasyon ng kanilang mga pagsisikap na bumuo ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa detention facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
Other News
  • Ads December 28, 2024

  • ‘Maging Sino Ka Man’ nila ni Barbie, papalit sa ‘Voltes V: Legacy’: DAVID, may gagawing teleserye at movie sa China

    NAGING matagumpay ang ribbon-cutting at blessing ng bagong branch ng Blue Water Day Spa noong Agosto 11, 2023 na pinangunahan ni Pambansang Ginoo David Licauco.  Ang pinakabagong sangay nito ay matatagpuan sa 2nd Floor South Wing ng Estancia Mall, Capitol Commons, Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City. Bukod sa Kapuso actor na talaga namang pinagkaguluhan at […]

  • GMA Public Affairs’ first investigative docu film “Lost Sabungeros” marks world premiere at Cinemalaya

    HIGHLY regarded for its award-winning documentaries, GMA Public Affairs is taking the genre to another level as it presents its first-ever investigative documentary film, “Lost Sabungeros” – set to premiere at the 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival this August.         Directed by Bryan Brazil, “Lost Sabungeros” aims to investigate and find […]