• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 5 most wanted person ng NCRPO, timbog sa Malabon

HIMAS rehas ang isang construction worker na nakatala bilang top 5 most wanted person sa National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa kasong rape matapos madakma ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang narestong akusado na si alyas “Jun-Jun”, 26, ng Brgy. Longos na nakatala naman bilang No. 2 TMWP sa NPD.

 

 

Ayon kay Col. Baybayan, nakatangap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar kaya inatasan niya ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na bumuo ng team para tugisin si ‘Jun-Jun’.

 

 

Katuwang ang mga tauhan ng NPD-DSOU, agad nagsagawa ang WSS ng Malabon police ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong ala-1:30 ng hapon sa Hiwas St., Brgy. Longos.

 

 

Ang akusado na nakatala naman bilang No. 3 top MWP sa Malabon ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Savador ng RTC Branch 73, Malabon City para sa kasong Rape na may petsang October 28, 2024.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)

Other News
  • Pulis ‘guilty’ sa homicide ng 17-anyos na napagkalamang suspek

    HINATULANG  nagkasala ng Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 286 ang pulis na si PSSg. Gerry Maliban sa menor de edad na napatay sa isang “mistaken identity” case habang mapaparusahan din ang apat na pulis sa pagpapaputok ng baril.     Martes nang ilabas ng Navotas court ang hatol kaugnay ng pagkamatay ni Jerhode Jemboy […]

  • Pinay tennis player Alex Eala nabigo sa unang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis

    Nabigo sa ikalawang round ng 2021 Junior Orange Bowl Tennis Championship girls’ singles si Filipina tennis player Alex Eala sa Florida.     Hindi nakaporma ang 16-anyos na si Eala kay Kristyna Tomajkova ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-3.     Ito na ang kaniyang pang-huling torneo ngayong taon.     Maglalaro pa […]

  • Nagtala ng bagong ‘Guiness World Records’: BTS, binasag ang sariling record bilang “most-streamed group on Spotify”

    MULING nagtala ng bagong record para sa Guiness World Records ang sikat na Korean supergroup na BTS.   Sa katunayan ang grupo mismo ang bumasag sa sarili nilang record bilang “most-streamed group on Spotify.”   Noong nakaraang March 3, nagtala ng bagong record ang BTS sa Spotify. Umabot na sila sa 31.96 billion streams sa […]