No. 9 most wanted person ng NPD, nadakma ng Valenzuela Police sa SACLEO
- Published on June 2, 2022
- by @peoplesbalita
KALABOSO na ang number 9 most wanted person ng Northern Police District (NPD) matapos masakote ng mga tauhan ng Valenzuela City Police sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa Pasig City.
Kinilala Northern Police District (NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz ang naarestong akusado bilang si Edrian Palisoc, 30, residente ng West River Bank, Pasig City.
Si Palisoc ay inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Station Intelligence Section (SIS) sa pangunguna ni Deputy Chief PLt. Albert Verano, kasama sina PCMS Melvin Mendoza, PCMS Hanival Parinas, PSSg Gilbert Orellano, PSSg Darius Orale, PCpl Rosario Cruz, at PCpl Ryan Axibal, at Sub-Station 7 ng Pasig police sa isinagawang joint manhunt operation sa Legaspi-West River Bank Road, Pasig City dakong alas-2:47 ng hapon.
Ayon kay SIS chief Police Major Marissa Arellano, dinakip si Palisoc sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong ‘Robbery in Band’ na inisyu noong March 24, 2022 ni Judge Evangeline Francisco ng Regional Trial Court (RTC) Branch 270, Valenzuela City.
Sinabi pa ni Arellano na sa kanilang isinagawang background check kay Palisoc, napag-alaman nila na may dati pa itong mga kaso, kabilang ang theft, robbery, Batas Pambansa Bilang 6 o Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons, at Concealing True Name incidents. (Richard Mesa)
-
Ads June 22, 2022
-
Salary increase ng teachers sa 2021 tiniyak ng DepEd
Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang kanilang salary increase na kabilang sa 2021 national budget. Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na angf sahod, allowance at mga benipisyo ng kanilang mga empleyado. “By next year meron naman pong salary increase. Ito […]
-
DA, pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para ibaba ang presyo ng sibuyas, pinag-iisipan ang pag-angkat
SA GITNA nang tumataas na presyo ng sibyas sa piling pamilihan, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat ng commodity, para mapababa ang presyo nito. Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa mga onion farmers para […]