No class size limit para sa in-person classes — DepEd
- Published on July 16, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI magtatakda ang Department of Education (DepEd) ng class size limit sa oras na magpatuloy na ang face-to-face classes sa Nobyembre.
Sinabi ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte na walang “prescribed class size” dahil magkakaiba naman school classroom situations.
Gayunman, tiniyak nito na ire-require pa rin ng DepEd ang mga eskuwelahan na tiyakin ang health protocols, partikular na ang physical distancing. Dapat aniya itong masunod habang nagkaklase.
“Hindi kami naglagay [sa department order] ng exact size ng class dahil iba-iba ‘yung situation ng lahat ng mga schools natin. There are no schools na pare-pareho sila exactly sa kanilang classrooms and sa kanilang teachers,”ang pahayag ni Duterte.
“So ang nilagay natin doon at in-approve din ng Pangulo during the cabinet meeting is that physical distancing shall be implemented whenever possible,” aniya pa rin.
Tinukoy ni Duterte ang DepEd Order No. 34, Kung saan inatasan ang lahat ng public at private schools na mag-shift sa limang araw na face-to-face classes simula sa Nobyembre 2.
Ayon sa nasabing kautusan, “distance and blended learning will no longer be allowed starting that day.”
Giit din ng kautusan na ipinagbabawal sa mga estudyante at school personnel ang pagkain ng magkakasabay sa loob ng eskuwelahan kung limitado ang espasyo.
“Naglagay lang din kami doon ng guide about eating dahil ito ‘yung isa sa mga instances na nagtatanggal tayo ng mask, na eating together should be prohibited,” ani Duterte .
Kung limited ‘yung spaces doon sa loob ng eskwelahan, para tayo ay maghiwa-hiwalay habang kumain ay we all eat facing the same direction. So hindi po magkaharap ‘yung mga tao,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Obrero arestado sa shabu, gun replica at mga bala sa Valenzuela
KALABOSO ang isang construction worker matapos mabisto ang dalang shabu, gun replica at mga bala makaraang takbuhan ang mga sumitang pulis dahil sa pag-iinuman sa kalye sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Sub-Station 2 ng Valenzuela police ang naarestong suspek bilang si Osias Patenia, 41 ng Blk 3 […]
-
Ang laki ng pasasalamat sa ‘First Yaya’ at ‘First Lady’: SANYA, nagkaroon ng pambayad sa bahay at nakabili rin ng lupa
STARTING tonight, July 29, muling panoorin ang modern fairytale nina President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) and Nanny Melody Reyes (Sanya Lopez), ang top-rating romantic comedy series na “The First Nanny” sa Netflix Philippines, produced by GMA Entertainment Group. Nagbahagi naman si Sanya nang ma-interview siya tungkol sa pagpapalabas ng “The First Nanny” sa […]
-
‘Pumili ba ang Letran sa kanyang kalaban’ sa Final Four ng NCAA? Sagot ni Bonnie Tan
Sinadya bang matalo ang Letran sa final elimination game nito sa Jose Rizal University para makakuha ng mas paborableng draw sa NCAA Season 98 Final Four? Tila ito sa marami dahil ang 87-71 pagkatalo ng Knights sa Heavy Bombers noong Miyerkules ay nag-relegate sa kanila sa No. 2 spot at isang sagupaan laban sa […]