• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘No-mask Christmas’ posibleng makamit – Palasyo

Naniniwala ng ilang mga eksperto na kayang makamit ng bansa ang tinatawag ng “no-mask Christmas” kapag malaking bahagi ng populasyon ng bansa ang naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19.

 

 

Sinabi ni OCTA Research member at University of Santo Tomas biological sciences professor Father Nicanor Austriaco, kailangan ng bansa ng 33 milyon doses ng COVID-19 vaccine para mapigilan ang virus at ang 52 milyon na doses naman ay para makamit ang herd immunity.

 

 

Paliwanag nito na kapag nakamit ang herd immunity sa National Capital Region (NCR) Plus eight na kinabibilangan ng Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Laguna, Batangas, Pampanga, Metro Cebu at Metro Davao ay mapoprotektahan na ang natitirang bahagi ng bansa dahil nagmumula sa Metro Manila ang pagkalat ng virus.

 

 

Base rin sa kanilang ginawang kalkulasyon na kapag mayroong 250,000 katao ang nababakunahan sa isang araw ay mapipigilang ang virus sa Oktubre at makakamit ang herd immunity sa Nobyembre.

 

 

Para makamit ang pagpigil ng virus ay dapat nabakunahan na ang nasa 45 percent ng populasyon ng NCR Plus eight o nasa 16.65 milyon katao.

 

 

Kaya naman kailangan umano ng 33.5 miyon doses ng bakuna at para makamit din ang herd immunity ay dapat mabakunahan ang 70 percent ng populasyon sa NCR plus eight.

 

 

Malaki rin ang tiwala ni presidential spokesperson Harry Roque na madaling makamit ang no-mask Christmas kung saan mayroon ng mahigit 5.5 milyon Filipino na ang naturukan ng bakuna at mahigit dalawang milyong katao na ang naturukan na ng COVID-19 vaccine ng dalawang doses. (Daris Jose)

Other News
  • CHR iimbestigahan ‘physical, mental abuse’ ng PNP vs Tinang 93

    SINIMULAN na ng Commission on Human Rights ang pag-imbestiga sa diumano’y arbitrary arrest ng pulisiya sa mahigit 90 magsasaka, aktibista, estudyante at media matapos ang “bungkalan” sa Concepcion, Tarlac — bagay na nauwi raw sa pang-aabuso at ‘di makataong pagtrato.     Huwebes nang hulihin ang ang nabanggit para sa “malicious mischief” at “obstruction of […]

  • Inamin na kinabahan sa una nilang eksena: KEN, pinangarap talaga na makatrabaho si GABBY

    DREAM come true para kay Ken Chan na makatrabaho si Gabby Eigenmann. “Nakaka-message ko po si Kuya Gabby, sinasabi ko po lagi, ‘Sana makatrabaho po kita, Kuya Gabby!” “Kasi pangarap ko talaga siyang makatrabaho po,” kuwento ni Ken. At sa pamamagitan ng pelikulang ‘Papa Mascot’ ay natupad ang pangarap ni Ken dahil isa si Gabby […]

  • SILID-AKLATAN NG PSC BUBUKSAN

    NAKATAKDANG muling buksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Sports Library sa bansa sa misyon ng ahensiya na mapalawak at mapaangat pa ang edukasyon sa tulong ng mga programa ng Philippine Sports Institute matapos ang Covid-19.   Inihayag ni PSC Chairman William Ramirez, na pangunahing asam ng silid-aklatan na makapatuklas ng scholar athletes at […]