“NO STRINGS ATTACHED” sa pagpapauwi kay MARY JANE VELOSO- DFA
- Published on November 22, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI humirit ng anumang pabor ang Indonesian government kapalit ng nalalapit na pagpapauwi sa convicted Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso.
“There are a lot of speculations as to what the return or what was the condition. The Indonesians have not requested any payback for this,” ang sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega sa press briefing sa Palasyo ng Malakanyang.
“May I clarify, this is not in return for anything,” ayon kay De Vega.
Sinabi ito ni De Vega matapos na magpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ukol sa pagtanggap kay Veloso pabalik ng bansa.
Si Veloso ay nahatulan ng drug trafficking sa Indonesia noong 2010. Siya ay nasa death row sa loob ng 14 na taon.
“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang official X account (@bongbongmarcos).
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Indonesian President Prabowo Subianto at sa Indonesian government para sa ‘mabuting kalooban’ nito.
“Of course, from ASEAN, we know about the debt of gratitude and that similarly they may request something from us in the future. But right now, they are not asking anything in return for this arrangement,” ang sinabi ni De Vega.
Binigyang diin pa rin ni De Vega na ang kaso ni Veloso ay nananatiling “a work in progress” para sa Indonesia.
“So, when she gets here, if she gets here, she will not immediately be released. It means, we will commit to detain her until such time that [there’s a] mutual agreement that she could be given clemency,” ang tinuran ni De Vega.
“But at least, she would be here,” dagdag na wika nito.
Sa kabilang dako, sinabi ni De Vega na ang ‘mabuting kalooban’ ng Indonesia ay nagpapakita ng matatag na liderato ni Pangulong Marcos, mahigpit na ugnayan sa Indonesian government, at commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa mga overseas worker nito.
Samantala, labis namang nagpasalamat at lubos ang kasiyahan ni Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano sa ‘mabuting kalooban’ ng gobyerno ng Indonesia.
Aniya, nagsasagawa na ng pag-uusap ang magkabilang panig kaugnay sa detensyon ni Veloso sa oras na dumating na ito sa Pilipinas. (Daris Jose)
-
‘Pambansang Best Friend’, nami-miss na ang pag-arte: SHEENA, protective mother at gagawin ang lahat para ‘di magka-virus ang anak
NAG-THROWBACK sa kanyang social media account si Sheena Halili dahil nami-miss na raw niya ang umarte. Ngayon kasi ay mas naka-focus siya sa pagiging mommy sa 1-year old daughter niya. “Miss ko na rin ang pag-aartista! Ngayon din naman nag-aartista ako sa harap ng anak ko! Minsan dog ako, minsan cat, […]
-
Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay
NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw. Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang […]
-
Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics
Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod. […]