• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘No vaccination, no ride’ policy ipatutupad sa mga public transport

NAKATAKDANG  ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng ‘no vaccination, no ride’ policy para sa lahat ng mga pampublikong transportasyon sa buong Metro Manila habang nasa ilalim ito ng Alert Level 3.

 

 

Ayon sa inilabas na department order ng kagawaran, ang lahat ng mga kinauukulang ahensya at sectoral offices ng DOTr ay inaatasan na tiyakin na tanging mga fully vaccinated na mga indibidwal lamang na may maipapakitang physical o digital copies ng kanilang vaccination card, o kahit na anong IATF-prescribed document, na may valid government issued ID na may larawan at address ang papayagang makasakay o mabigyan ng ticket sa mga pampublikong sasakyan.

 

 

Nilinaw naman sa Section 3 ng nasabing department order na hindi kabilang ang mga indibidwal na hindi pa nababakunahan dahil sa kanilang mga commorbidities.

 

 

Kinakailangan lamang na makapagpakita ang mga ito ng duly-signed medical certificate na may pangalan at contact details ng kanilang physician.

 

 

Hindi rin kabilang sa naturang alituntunin ang mga indibidwal na bibili ng mga essential goods at services, tulad na lamang ng tubig, pagkain, gamot, medical devices, public utilities, energy, trabaho, at medical at dental necessities. (Daris Jose)

Other News
  • Opening ceremony ng Paris Olympics naging makasaysayan kahit umulan

    HINDI natinag ang ilang milyong mga katao na nanood ng pormal na pagbubukas ng 2024 Paris Olympics.       Nagdala ng mga payong at kapote ang karamihan para masaksihan ang makasaysayan at kakaibang pagbubukas ng Olympics na ginaganap sa River Seine.     Hindi gaya sa mga nakagawian na sa mga stadium ito ginaganap […]

  • John 1:14

    The word became flesh and made his dwelling among us.

  • PB Gilas babawi sa tall blacks

    TARGET ng Gilas Pilipinas na magarbong tapusin ang group stage sa FIBA Asia Cup na ginaganap sa Istora Gelora Bung Karno sa Jakarta, Indonesia.     Ngunit daraan sa ma­tinding pagsubok ang Pinoy squad dahil makakasagupa nito ang New Zealand sa alas-8 ng gabi (alas-9 ng gabi sa Maynila).     Mataas ang moral ng […]