‘No vax, no ride’ tatanggalin sa Alert Level 2
- Published on January 29, 2022
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Malacañang na tatanggalin ang “No Vaccine, No Ride” policy na ipinatutupad sa National Capital Region sa sandaling ibaba sa Alert Level 2 ang NCR.
Ginawa ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pahayag sa gitna ng mga panawagan na ibaba sa Alert Level 2 ang NCR dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Hanggang sa Enero 31 iiral ang kasalukuyang Alert Level 3 sa NCR.
Sinabi ni Nograles na base sa mga ipinasang ordinansa, iiral lamang ang ‘no vax, no ride’ policy sa Alert Level 3 at mas mataas na alert level system.
“You have to go back to the ordinance. I believe the ordinances really state that the limitations or restrictions are only for Alert Level 3 and higher…So when you say– pag nag-deescalate ka you can no longer implement it,” ani Nograles.
Matatandaan na ipinatupad ng mga local government units (LGUs) ng Metro Manila ang “no vaccine, no ride” policy nang tumaas ang bilang ng may COVID-19.
Kinumpirma naman ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon, Jr., na ititigil ang pagpapatupad ng ‘no vaccine, no ride’ policy kapag naging Alert Level 2 na ang NCR.
“Gusto ko po sanang linawin sa lahat ng ating manonood na ang policy po, ang “no vax, no ride” policy ng DOTr under Department Order 2022-01, ay valid lang po dito sa loob ng NCR. Linawin ko lang po iyon, iyon po ay para sa NCR, dito lang po sa atin valid iyon. At valid lang po ito habang ang NCR po ay nasa Alert Level 3 or mas mataas. Kapag bumababa po ang ating alert level dito, masususpinde na po iyong polisiya,” ani Tuazon.
-
Mandatory retirement age sa senior workers, giit alisin
NAIS ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na tanggalin na ang mandatory age sa pagreretiro ng mga manggagawang senior citizens sa private sector. Isinusulong ng kanyang House Bill (HB) 3220 na i-repeal ang compulsory age na 65 anyos na itinatakda sa Labor Code of the Philippines. Isiningit ni Ordanes […]
-
Ads May 19, 2022
-
Stephen Curry umabot na rin sa 5,000 assists milestone, kasabay ng 3-0 win ng Warriors
Naabot ni Stephen Curry ang franchise history ng Warriors bilang kauna-unahang player ng koponan na narating ang 5,000 assists. Kasabay ng milestone ni Curry ay nang iposte rin ng Golden State ang ikatlong panalo laban sa Sacramento Kings, 119-107. Kumamada si Curry ng 27 points na dinagdagan pa niya ng 10 […]