• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“No walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites – Usec. Malaya

NAGKAISA ang mga Alkalde ng Kalakhang Maynila na magpatupad ng “no walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites habang nasa ilalim ang rehiyon sa two-week lockdown para mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang Delta variant.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Interior Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na ang pinakahuling polisiya ay napagkasunduan ng Metro Manila Mayors at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

“The LGUs (local government units) will strictly enforce the no walk-in policy during the lockdown to prevent people from swarming vaccination sites, which could cause a superspreader event,” ayon kay Malaya.

 

Aniya, tanging ang may confirmed appointments lamang ang ia-accommodate sa mga vaccination centers.

 

Ang Metro Manila ay isinailalim sa enhanced community quarantine — itnuturing na strictest level ng COVID-19 curbs , araw ng Biyernes. Tatagal ito ng dalawang linggo.

 

Inaasahan naman na makakapagbakuna ng 250,000 COVID-19 shots araw-araw sa panahon ng ECQ.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads November 14, 2022

  • Nagbigay ng official statement sa paglisan ni Sen. Ping… MONSOUR, advocacy na ma-implement ang ‘Healthcare Heroes Card’ pag naging Senador

    NAGBIGAY ng opisyal na pahayag si Monsour del Rosario tungkol sa paglisan ni Sen. Ping Lacson sa Partido Reporma.               Ayon kay Monsour, “Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang […]

  • Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment

    NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines.     Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency […]