• October 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nograles vs. Duterte sa Davao City

MAGLALABAN bilang representante para sa unang distrito ng Davao City sina Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles at incumbent Davao City Rep. Paolo Duterte.

 

 

Opisyal na naghain (Martes) ng umaga ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Nograles sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa may Magsaysay Park habang si Duterte ay naghain ng kanyang COC nitong Lunes.

 

 

Si Nograles, ay anak ng yumaong Speaker Prospero “Boy” Nograles habang si Duterte ay panganay na anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Habang maglalaban naman sa pagka-mayor sina dating Rep. Karlo alexei Nograles at dating presidente Duterte.

 

 

Inihain ni Nograles ang kanyang COC ngayong Martes habang isinumite naman ng dating pangulo ang kanyang COC nitong Lunes. (Vina de Guzman)

Other News
  • Na-diagnose na merong parasitic disease na ‘Toxoplasmosis’: IZA, ni-reveal na muntik nang magka-kumplikasyon sa pagbubuntis

    NI-REVEAL ni Iza Calzado na muntik na siyang magkaroon ng kumplikasyon sa pagbubuntis sa kanyang baby girl na si Deia Amihan.       Sa pinost na letter ng aktres sa Instagram, kinuwento niya noong buntis siya, na-diagnose na meron siyang parasitic disease na kung tawagin ay Toxoplasmosis.       Ayon sa Mayo Clinic, […]

  • EU, nagpalabas ng P12.4-M na tulong para sa mga Filipinong biktima ni ‘Enteng’

    NAGPALABAS ang European Union (EU) ng EUR200,000 o P12.4 milyon na emergency assistance para tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa mga iniwang nasira ni Tropical Storm Enteng na may international name na Typhoon Yagi, ilang linggo na ang nakalilipas.     Ang bagong pondo ay bahagi ng EUR2.2 million o P136.8 milyon na aid package […]

  • Pagtestigo under oath ni VP Sara sa Kamara, kapalit na kondisyon sa drug, psycho tests ng mga mambabatas

    TINANGGAP ng mga mambabatas na miyembro ng Young Guns sa Kamara ang hamon ni Vice President Sara Duterte na sumailalim sa mga tests sa illegal drug substances at psychiatric evaluation, sa kabila na walang pangangailangan para dito.   Ngunit, may kondisyon ang mga mambabatas sa bise presidente na manumpa ito sa harap ng House Blue […]