• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NOISE BARRAGE NG ANAKBAYAN, IPINATIGIL

IPINATIGIL ang ginawang noise barrage ng militanteng grupong  Anakbayan  sa Trabajo Market sa Sampaloc, Maynila.

 

Mismong ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at barangay na nakakasakop sa lugar ang nagpatigil sa kanilang aktibidad matapos mapag-alaman na walang permit.

 

 

Panawagan umano ng grupo sa grobyerno ang karapatan ng mga mga vendors sa kabuhayan  lalo  na’t  patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

Napag-alaman din na iginiit ng grupo na kasama  sa  aktibidad ang mga vendors ng Trabajo Market para ipaalam ang kanilang hinaing pero napag-alaman na sila-sila lang pala ang magsasagawa ng noise barrage.

 

Ayon naman kay Brgy. 453, Zone 45, Chairwoman Leticia de Guzman, walang permit at hindi niya pinayagan ang nasabing aktibidad ng militanteng grupo kung saan hindi rin tototo na may mga vendors na kasama nila sa noise barrage.

 

Agad din kinausap ni Guzman ang mga vendors para alamin kung may mga pagkukulang ba sa pamamalakad ng pamunuan ng palengke at iba pang hinaing ng mga ito.

 

Ayaw naman umanong paawat ang mga militante kaya napilitan silang paalisin ng mga awtoridad dahil nagdudulot na ito ng perwisyo sa daloy ng trapiko at hindi na rin nasusunod ang inilatag na health protocols. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 500,000 Sinovac vaccines, dumating na sa bansa

    Dumating na sa Pilipinas ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines mula sa Beijing China.     Lulan ito ng Philippine Airlines (PAL) flight no. PR359 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pasado alas-5:00 ng hapon, Huwebes.     Bandang alas-7:00 ng umaga rin sa parehong araw nang umalis ang eroplano ng PAL sa […]

  • Hindi man siya nanalong president last election: Ex-Mayor ISKO, proud lolo at ipinagpasalamat na mayroon nang apo

    MARAMI nang naghihintay sa invitation ng GMA Network tungkol sa GMA Thanksgiving Gala na gaganapin sa grand ballroom ng Shangri-La, The Fort, this Saturday, July 30.     May pasabi sila na: “This gala is not just a party. It’s really a form of thanksgiving for all the blessings that we’ve been receiving, not just […]

  • Ads October 15, 2020