• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Non-essential travel muling sinuspinde

Muling sinuspinde ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management for Emerging Infectious Diseases ang non-essential travels o mga hindi importanteng biyahe palabas ng bansa.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, isang kumpanya lamang ang pumayag na magbi­gay ng travel at health insurance na isa sa mga requirements para makalabas ng bansa.

 

Nais ng gobyerno na matiyak na may sasagot sa gastusin ng pasahero sakaling magkaroon ng rebooking o kaya ay kaila­nganing dalhin sa ospital dahil sa COVID-19.

 

“Ang malungkot na balita po, iisang insu­rance company lamang sa Pilipinas ang puma­yag ng ganitong travel and health insurance kaya sinuspendi muna ng IATF ang non-essential outbound travel,” ani Roque.

 

Hindi naman binanggit ni Roque ang pangalan ng health at insurance company.

 

Pero maaaring bumiyahe palabas ng bansa ang mga may kumpirmado ng bookings noon pang Hulyo 20.

 

Sinabi ni Roque na maghahanap pa ng maraming insurance companies na papayag sagutin ang gastos ng mga pasahero sakaling magkaroon ng aberya. (Ara Romero)

Other News
  • Liza, suportado ng Star Magic sa kasong isinampa tungkol sa ‘rape jokes’

    SUPORTADO ng Star Magic ang kasong isinampa ni Liza Soberano laban sa rating empleyado ng internet provider na nag-comment ng, ‘ang sarap ipa-rape’ sa Facebook page.   Base sa official statement ng Star Magic.   “ABS-CBN and Star Magic fully support Liza Soberano’s filing of a criminal complaint with the Office of the City Prosecutor […]

  • Banta ng Tsina na ide-detain ang mga mangingisda sa WPS , ‘act of escalation’- PBBM

    ITINUTURING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na “act of escalation” ang banta ng Tsina na ide-detain ang mga ‘trespassers’ sa West Philippine Sea (WPS).     Sa panayam ng mga mamamahayag sa sidelines ng kanyang state visit sa Brunei Darussalam, inilarawan ni Pangulong Marcos ang banta ng Tsina bilang “different policy at worrisome development.” […]

  • Mahigit 31-K pamilya sa MIMAROPA at Western Visayas, apektado na ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro

    INIULAT ng NDRRMC na patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga naapektuhan ng oil spill mula sa lumubog naMT Princess Empress   sa bahagi ng Oriental Mindoro.     Sa datos ng NDRRMC, umabot na sa 31,497 ang bilang ng mga pamilya mula sa lalawigan ng MIMAROPA at Western Visayas  ang naapektuhan na ng malawakang oil […]