• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Normal ang operasyon ng PUVs sa bansa-Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na walang magiging aberya maliban sa kaunting ruta sa  National Capital Region (NCR) sa gitna ng  nagpapatuloy na  transport group strike. Tinukoy ang mga ulat mula sa  DOTr, LTFRB, MMDA at PNP, sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng  Libreng Sakay program, nagbigay ang gobyerno ng libreng sakay para sa mga commuters o mananakay na apektado ng transport group strike.

 

 

Siniguro nito sa publiko na ang pamahalaan ay mayroong  sapat na assets at mga tauhan para tugunan ang mga pangangailangan ng  commuting public.

 

 

“As of 10 a.m.,  ang EDSA Busway Carousel ay hindi pa naaapektuhan ng kahit na anumang  transport strike activity, maayos na operasyon   na may mababang bilang ng mga pasahero sa lahat ng istasyon. Pinangasiwaan naman ng Philippine National Police (PNP) personnel  ang pag-ferry sa mga pasahero mula Almar Subdivision sa  Caloocan  hanggang  Quezon City.

 

 

Nag-deploy din ang mga awtoridad ng mga sasakyan para ipagamit sa mga pasahero na may  Dapitan-Baclaran route. “As early as 4 a.m., inihanda na ng gobyerno ang mga bus para sa Libreng Sakay sa Pasay City, Marikina City, Caloocan City, at maging sa  Quezon City.

 

 

Base sa report kaninang 7:15 ng umaga, ang EDSA Busway ay nananatiling normal na nago-operate  na may “moderate to heavy volume” ng mga pasahero sa southbound mula  north sector stations, MCU at Roosevelt. Sinabi ng mga awtoridad mayroon kasing sapat na bilang ng mga bus sa ground para mag-biyahe ng stranded passengers. Sa  Calabarzon, kaninang alas-6 ng umaga, iniulat ng mga awtoridad ang kondisyon ng  SM-Crossing Calamba Terminal sa City of Calamba sa Laguna. Iniulat na may  30 stranded passengers sa terminal, idagdag pa na ang mga pampasaherong dyip na may Calamba- Biñan route ay nasa  normal operation.

 

 

Ang mga modern jeeps na buma-byahe sa  Calamba-Pacita Complex route ay nasa  normal operation din.

 

 

Tinatayang may 11 major jeepney at UV (utility vehicle) groups sa Kalakhang Maynila ang naunang sumalungat sa planong transport group strike na pinangungunahan ngayon ng Manibela, isang alyansa ng  UV drivers at isang party-list group. (Daris Jose)

Other News
  • ₱86.5B, kailangan para makapagpatayo ng silid-aralan para sa susunod na taon

    NANGANGAILANGAN ang Department of Education (DepEd) ng  ₱86.5 bilyong piso para sa pagtatayo ng mga silid-aralan para sa susunod na taon.     Bukod pa sa hindi pa nito natutugunan ang kakapusan ng silid-aralan.     “The ₱86.5 is actually not the overall shortage, this is just what we think should be implemented in 2023,” […]

  • HIGIT 300 TRAINEES NAGTAPOS SA TECH-VOC SKILLS SA NAVOTAS

    MALUGOD na tinanggap ng Navotas ang mahigit 347 mga skilled workers matapos ang kanilang pagtatapos sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.       Sa bilang na ito, 20 ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) I para sa Automotive Servicing, habang 43 ang pumasa sa NC II assessment para sa Barista; […]

  • Siguraduhin na ang ‘sabong’ operations ay susunod sa health protocols- DILG

    IPINAG-UTOS ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government units (LGUs) na tiyakin na ang pagpapatuloy ng cockpit operations at ang pagbabalik ng tradisyonal na “sabong” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o o mas mababa pa ay hindi magiging super spreader events ng Covid-19 […]