Notoryus snatcher nasakote sa Caloocan
- Published on March 29, 2021
- by @peoplesbalita
Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) District Special Operations Unit (DSOU), agad naaresto ang isang umano’y notoryus na snatcher matapos hablutin ang cellphone ng isang estudyante sa Caloocan city.
Kinilala ni NPD-DSOU PMAJ Amor Cerillo ang naarestong suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RPC Art 294 (Robbery Snatching) na si Joel Banahon.
Ayon kay PMAJ Cerillo, dakong 10 ng gabi, nagsasagawa sila at kanyang mga tauhan ng surveillance at covert anti criminality operation sa Langaray St. corner Pampano St. Brgy. 14 ng lungsod.
Dito, napansin nila ang paghingi ng tulong ng biktimang si Daverson Bern Buhain, 19, estudyante, residente sa naturang lugar matapos agawan ng cellphone ng suspek.
Mabilis namang rumesponde si Major Cerillo at kanyang mga tauhan saka hinabol ang suspek hanggang sa makorner nila ito at maaresto kung saan nang kapkapan ay mabawi sa kanya ang cellphone ng biktima. (Richard Mesa)
-
PDu30, umaasa na magpapakita ng ligtas at epektibo ang Ivermectin
UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang local clinical trials ng Ivermectin ay magpapakita na ito’y ligtas at epektibo ‘for human use’ laban sa Covid-19. Sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siya na mayroon dapat na katotohanan sa pagiging epektibo ng Ivermectin dahil […]
-
American swimmer Anita Alvarez nawalan ng malay habang nasa kumpetisyon
NILIGTAS ng kanyang coach si American swimmer Anita Alvarez matapos na mawalan ng malay sa ilalim ng swimming pool habang ito ay nakikipagkumpetensiya sa FINA World Aquatic Championships s Budapest, Hungary. Mabilis na tumalon sa pool si Coach Andrea Fuentes para iligtas ang 25-anyos na si artistic swimmer ng ito ay lumubog sa […]
-
Manila, Taguig naghigpit sa e-bikes, e-trike sa pangunahing lansangan
MAY dalawang lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang naghigpit sa mga regulasyon ng e-bikes at e-trikes sa mga pangunahing lansangan ng Taguig at Manila. Ayon sa isang report, ang mahuhuli na tumatakbo sa mga pangunahing lansangan ay kukunin ang kanilang mga e-vehicles dahil ang mga ito ay hindi registrado […]