• May 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NPC graduates tumanggap ng tig-P1,500 cash incentives

NAKATANGGAP ng cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang aabot sa 911 na mga nagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC) para sa academic year 2022-2023.

 

 

Mismong si Mayor John Rey Tiangco ang nanguna sa pamamahagi ng P1,500 cash incentive sa mga benepisyaryo na NPC graduates, kabilang si Nanay Adelaida Alfabete, 75-anyos.

 

 

Sa ginanap na graduation, dumalo sina Mayor Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Vice President at DepEd Sercretry Inday Sara Duterte kung saan personal na binati ng mga ito ang NPC graduates.

 

 

“Napagtagumpayan ninyo ang lahat ng mga pagsubok sa loob ng ilang taon ninyo sa kolehiyo. Marami mang pagbabago ang inyong pinagdaanan at pagdadaanan pa, kakayanin n’yo ito sa inyong pagsisikap at sa tulong ng inyong mga mahal sa buhay at ng ating pamahalaan”, ani Tiangco brothers.

 

 

Nagpasalamat din ang magkapatid na Tiangco kay VP Sara Duterte sa kanyang pagdalo sa graduation ng NPC at pagbibigay ng inspirasyon sa mga nagtapos.

 

 

Noong nakaraang buwan, namahagi din ang Navotas ng cash incentives, na nagkakahalaga ng P500 at P1,000, sa mga public elementary at senior high school graduates. (Richard Mesa)

Other News
  • “SCREAM” RATED R-16 WITHOUT CUTS, HOLDS SNEAKS ON FEB 1st

    MANILA, January 25, 2022 — Paramount Pictures has just announced that its US No.1 box-office hit Scream will hold special sneak previews in selected cinemas nationwide on Tuesday, February 1st.   Horror fans are advised to check with their favorite theaters for the screening hours and ticket prices.     [Watch the sneaks announcement video at https://youtu.be/rnUeWdf3T6I]     […]

  • Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa.   Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry […]

  • Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw sa edad na 61

    Binawian na ng buhay si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III matapos ang mga ulat na isinugod sa ospital ngayong Huwebes.     Sinasabing sumasailalim si Aquino sa dialysis at nagpa-angioplasty. Meron din siyang diabetes at lung cancer, wika ng isang kaibigan na malapit sa kanyang pamilya.     Si Aquino, na anak nina dating […]