• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NPC, NAGHAIN NG PETISYON KONTRA COMELEC

NAGHAIN  ng petition for mandamus sa Korte Suprema ang National Press Club (NPC) kasama ang dalawang  civil society  organizations laban sa Commission on Elections (Comelec).

 

 

Kasama ng NPC ang  Guardians Brotherhood at Automated Election System Watch o AES Watch , hiling nila sa Korte Suprema na atasan ang Comelec na maging mas transparent o bukas sa kanilang mga aksyon na konektado sa Eleksyon 2022.

 

 

Kasunod na rin ito nang pagbatikos na inabot ng Comelec sa kabiguang maipakita sa election watch groups at kinatawan ng mga kandidato ang pag-imprenta ng mga balota.

 

 

“While we appreciate  the pronouncements of the new poll chair, Saidamen Pangarungan and the two new commissioners , George  Garcia and Aimee Neri, that they are committed to transparency , the public remains  apprehensive  given the COMELEC’s poor track record in past  elections ,” ayon kay NPC President Paul M.Gutierrez.

 

 

Umaapela rin ang NPC sa publiko na tumulong sa panawagan para maibasura ang kasunduan ng Comelec at Rappler.

 

 

“We continue to call on all Filipino s and other media groups to lend their voice in asking the COMELEC not to merely  suspend, but more importantly, to scrap the MOA altogether” , ani Gutierrez.

 

 

Sinabi ni Gutierrez na isinasapinal na nila ang petisyon na isasampa rin sa Korte Suprema para ipawalang bisa ang naturang kasunduan

 

 

Una nang naghain ng petisyon noong March 7 ang Office of the Solicitor General sa Korte Suprema laban sa kasunduan na maging katuwang ng Comelec ang Rappler sa Eleksyon 2022. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Ads January 23, 2021

  • Global firms, nangakong mamumuhunan, palalawakin ang operasyon sa Pinas- Malakanyang

    NANGAKO ang ilang multinational firms na mamumuhunan at palalawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.     Kasunod ito ng talakayan sa  sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Switzerland.     “One of them is logistics company DP World, which is eyeing to establish an industrial park in Pampanga,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) […]

  • Ka-date sa birthday celebration nina Mavy at Cassy: CARMINA at ZOREN, tanggap na tanggap na sina KYLINE at DARREN

    CONGRATULATIONS to “Maria Clara at Ibarra!       Yes, isa na namang award ang tatanggapin ng top-rating historical fantasy portal series nina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.     After nga nitong tanggapin ang Best Supporting Actor award ni Juancho Trivino, sumunod namang tumanggap ng Best Director award si Diredk Zig […]