NPD NAGDAGDAG NG 100 PULIS SA MALABON
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Dahil sa u-sunod na pagpatay sa Malabon city na ang pinakahuli ay isang punong barangay ng Hulong Duhat, nagtalaga ng 100 pulis si Northern Police District (NPD) director Police Brig. Gen. Eliseo DC. Cruz bilang karagdagan sa may 400 dating kapulisan sa lungsod.
Dakong alas-3:50 ng Martes ng hapon, January 11, nang pagbabarilin sa kanyang sariling bakuran sa No. 3 Florante St. Brgy. Hulong Duhat si PB Anthony “Tune” Velasquez ng mga di nakilalang criminal.
Agad namang itinakbo si ‘Kap Tune’ sa Manila Central University Hospital, kung saan siya idineklarang dead on arrival.
Dalawang magkasunod na araw bago ito, pinatay sina Sonny Boy Pardillo, 39, habang naglalakad sa P. Aquino St. sa Tonsuya at si Valentino Espinosa, 34, habang natutulog sa sariling bahay sa P. Concepcion sa Tugatog ng dalawang di nakilalang de-baril na salarin sa magkahiwalay na pangyayari.Bago pa ito, pinutukan si Marlon Santiago sa kanyang bahay sa Plata St., Tugatog, hapon ng January 8, habang ang 37-anyos na si Ace Bade ay binaril sa bilyaran sa Tonsuya, 9:55 ng gabi ng January 7.
January 5 ay pinaslang din si Rodolfo Carpentero, 46, ng hindi kilalang kriminal, sa Kagitingan St., sa Bgy. Muzon.
Isa namang security guard na kinilalang si Yasser Ampuan, 21, ang namatay sa putok ng shotgun sa Bgy. Panghulo noong Disyembre 27.
Napaulat sa nakaraan na nakatanggap ng mga death threat si Velasquez sanhi ng aktibong partisipasyon nito sa anti-drug campaign ng lungsod na epektibong nagpababa sa insidente ng droga sa Barangay Hulong Duhat.
Magugunitang nabalot ng kontrobersiya si Velasquez nang mapasama sa kumalat na “drug watch list” subalit, itinuring naman nito at ng kanyang pamilya na kagagawan lamang ng mga katunggali sa pulitika.
Sa kabila nito, masigasig itong nakipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) partikular sa mga buy-bust operations nito, kung saan diumano ay ‘nasagasaan’ ni Velasquez ang modus ng Zapanta Group na pinangungunahan ng isang dating pulis na natanggal sa serbisyo kaugnay ng pagkasangkot sa iligal na droga.
Ikinondena ng Liga ng mga Barangay sa Malabon, sa pamumuno ni ABC President Ejercito Aquino, ang pagpatay kay Velasquez, gayundin ang iba pang kaso ng karumal-dumal na pamamaril sa lungsod laluna nitong mga nakaraang araw.
Ipinagluluksa naman ni Mayor Antolin Oreta III ang pagkawala ng isang lingkod-bayan na may puso at dedikasyon sa serbisyo sa katauhan ni Velasquez.
Nanawagan si Oreta sa mabilisang aksyon ng pulisya sa pamumuno ni Malabon police Chief Col. Angela Rejano at mahigpit na koordinasyon nito sa lokal na pamahalaan tungo sa pagkahuli ng mga salarin at tuluyang pagkalutas ng mga krimen. (Richard Mesa)
-
P100 milyong ayuda ng Metro Manila mayors sa nasalanta ni ‘Odette’
Mula sa konseptong “We Vax as One”, nagkasundo ang Metro mayors na hindi lang sa pagbabakuna sa labas ng kanilang nasasakupan, niyakap na rin ang pagtulong sa iba pang local government units (LGUs) na naapektuhan ng bagyong Odette. Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC), nagkaisa ang mga alkalde na […]
-
Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount
IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril. Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]
-
BIG-SCREEN SPECTACLE “WONKA,” IS “THE PERFECT CHRISTMAS MOVIE,” SAYS DIRECTOR PAUL KING
WHEN director Paul King, known for the family-favorite Paddington movies, was a child, one of the first books he read was Charlie and the Chocolate Factory by beloved children’s book author Roald Dahl. “I loved Charlie and the Chocolate Factory,” says King. “I read it again and again until the pages fell out of the cover. I remember loving the […]