• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTC, inatasan ang mga telcos na balaan ang publiko sa text scam

Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga telecommunication companies na magpadala ng text blast sa kanilang subscribers para balaan tungkol sa text spam o umano’y mga text messages na naglalaman ng mga alok na trabaho.

 

 

 

Sa gitna ito ng mga ulat na kalat na kalat na ang mga ganitong SMS messages.

 

 

Sa memorandum order na may petsang Nov. 19 na nilagdaan ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba, inatasan nito ang Digitel Mobile Philippines, Globe Telecoms, Dito Telecommunity at Smart Communications na magpadala ng text blast na naglalaman ng mensahe na:

 

 

“BABALA! Huwag maniwala sa text na diumano’y nag-aalok ng trabaho. Huwag po magbigay ng personal na impormasyon. Ito po ay isang scam.”

 

 

Pinagsusumite rin ng komisyon ang telcos ng report of compliance bago o pagsapit ng December 14.

 

 

Ginawa ng NTC ang direktiba makaraang libo-libong users ang nagbahagi ng text messages o emails tungkol sa alok na trabaho na tinawag ng mga otoridad na scam.

 

 

Kaugnay nito, muling binuhay ni NTC Deputy Commissioner Ed Cabarios ang pagpasa ng SIM card registration bill.

 

 

Sa pamamagitan nito ay madali raw matukoy ang nagmamay-ari ng simcard kasi mairerehistro na ito.

 

 

Aminado si Cabarios na mahirap habulin sa ngayon ang mga scammers gamit ang simcard.

 

 

Isa sa mga nakikitang posibilidad ni Cabarios kung saan nakukuha ang mga mobile phone numbers ay sa mga contact tracing forms sa mga malls.

 

 

Kung maalala noong nagkaroon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ay required sa mga establisimiyentong pumirma ng contact tracing form bago makapasok.

 

 

Isa sa mga hinihinging impormasyon dito ang mobile number maging ang pangalan ng pipirma.

 

 

Kaya naman panawagan ng NTC, kung hindi kilala ang sender ng mga messages, huwag replayan.  (Daris Jose)

Other News
  • CODING, GAWING EPEKTIBO ng 8 sa UMAGA at 6 NAMAN sa GABI

    Sa pulong ng mga Metro Manila Mayors ay pinagiisipan na sa panahon ng kapaskuhan ay alisin ang window hours ng number coding sa ilang major roads.     Ang MMDA rin ay nagiisip ng mga pagbabago upang lalong mabawasan ang matinding traffic sa Metro Manila . Nangangamba naman ang mga motorista sa mga planong ito […]

  • ‘Eternals 2’ Development at Marvel Studios, Begun To Surface

    ETERNALS 2 is already in development at Marvel Studios, as reports have begun to surface.     Directed by Chloé Zhao, Eternals has been shrouded in mystery since its announcement in 2019. It’s hard to determine just which movie MCU fans are looking forward to most after nearly two years of no releases, but it’s clear that this […]

  • Warriors star Stephen Curry at asawa muling ikinasal

    Muling ikinasal si Golden State Warriors star Stephen Curry at asawa nitong si Ayesha.     Isinagawa ang renewal of vows bilang bahagi ng kanilang 10th wedding aniversary.     Sa social media account ni Ayesha ay nagpost ito ng mga larawan.     Isa umanong surpresang renewal of vow ang ginawa ng NBA star. […]