• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NTF-ELCAC exec, NegOr guv, Palace photog officers nag-oath taking sa harap ni PBBM

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang panunumpa sa tungkulin  ni retired Lt. Gen. Emmanuel Salamat bilang  executive director ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 

 

Ibinahagi ni Pangulong Marcos  ang ilang larawan ng mass oath-taking ceremony na isinagawa sa President’s Hall sa Malacañan Palace sa Maynila.

 

 

Buwan ng Hulyo nang italaga ni Pangulong Marcos si Salamat  bilang  executive director ng  NTF-ELCAC National Secretariat.

 

 

Ang NTF-ELCAC,  itinatag sa bisa ng Executive Order 70 na nilagdaan ni dating  Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa 2018,  ay may mandato  na isulong ang  “whole-of-nation approach to counter communist insurgency and attain inclusive and sustainable peace.”

 

 

Bago pa ang kanyang bagong posisyon,  nagsilbi si Salamat  bilang board member  ng  Metropolitan Waterworks and Sewerage System  sa ilalim ng  administrasyong Duterte.

 

 

Si Salamat, bago pa ang kanyang  retirement mula sa military service, ay nanguna sa Tarlac-based Northern Luzon Command.

 

 

Maliban kay Salamat, nanumpa rin sa kanyang tungkulin si Negros Oriental Governor Roel Degamo.

 

 

Si Degamo,  isang reelectionist governor ay pinroklama bilang duly-elected governor ng Negros Oriental province matapos na ang  boto ng dating proklamadong nanalo na si Pryde Henry Teves ay inilipat sa kanya (Degamo) at ibinilang pabor sa kanya.

 

 

Samantala, pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang  oath-taking ng  “new set of officers” ng Malacañang Cameramen Association (MCA) at Presidential Photojournalists Association (PPA).

 

 

Sa isang Facebook post, kumpiyansang inihayag ni Pangulong Marcos  na  magagampanan nina Salamat, Degamo, at mga  opisyal ng  MCA at PPA ang kani-kanilang mga tungkulin  “with excellence and integrity.”

 

 

“Nagpapasalamat tayo sa kanilang dedikasyon at umaasang buong husay at katapatan nilang gagampanan ang kanilang tungkulin para sa bayan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, sinabing “punch-drunk” si Pacquiao nang sabihing P10B ang nawala sa gobyerno

    SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin ng huli na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.   “I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala […]

  • Saso No. 8 na sa world ranking

    Muling umangat si reig­ning US Women’s Open champion Yuka Saso sa world ranking nang okupahan nito ang No. 8 spot sa listahan.     Lumundag ng isang puwesto ang 19-anyos Pinay golfer mula sa kanyang dating ika-siyam na puwesto sa ranking.     Bumagsak naman sa No. 9 si Hyo-Joo Kim ng South Korea matapos […]

  • Robredo bukas suportahan tambalang ‘Pacquiao-Isko’ sa 2022

    Posibleng iisantabi ni Bise Presidente Leni Robredo ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 kung ‘yun ang mapagkakaisahan ng koalisyon ng mga oposisyon sa eleksyon sa darating na taon.     Ito nga ang ipinahiwatid ni Robredo sa panayam ng ANC, Lunes ng umaga, nang tanungin kung ano ang pagtingin niya kung sakaling maging running mates sa 2022 […]