• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nuclear power , maaaring bumaba ang electricity cost; ERC, pinayuhan ang susunod na administrasyon

SINABI ng  Energy Regulatory Commission (ERC) sa  incoming Marcos administration na maaaring makapagpababa sa halaga ng kuryente sa Pilipinas ang idagdag o isama ang  nuclear energy sa  power mix ng bansa.

 

 

Tinanong kasi si  ERC chairperson Agnes Devanadera kung ano ang kanyang mairerekomenda sa susunod na administrasyon  upang matugunan  ang kasalukuyang problema sa power supply sa bansa.

 

 

“Kailangan ma-determine ng pamahalaan ano talaga ang energy mix. Anong percent ang renewable energy, anong percent ang coal, anong percent ang biomass? Isama na ang nuclear kasi ang hinahanap natin ay reliable and reasonably priced source of energy,” ani Devanadera.

 

 

“Ang nuclear, isa yan sa posibleng makapagpababa ng ating cost ng kuryente at ‘yan naman, iba ang technology sa nuclear. Hindi naman kailangan katulad ng Bataan Nuclear Power Plant na pagkalaki-laki. Meron na tayong modular na mas madaling itayo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang pahayag na ito ni Devanadera ay matapos na ilagay  ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang  Luzon Grid sa ilalim ng yellow alert status noong nakaraang linggo.

 

 

Ang yellow alert status ay palatandaan na ang grid  ay mayroong manipis na reserves base sa pagkakaiba sa pagitan ng “supply and demand,” na mayroong 11,959 megawatts na  available capacity kumpara sa 11,350 megawatts peak demand.

 

 

Gayunman, pinaalalahanan ni Devanadera ang administrasyong Marcos na ang paglalagay ng bagong  sources ng energy gaya ng nuclear power  ay maaaring matagalan habang ang demand-side management ay kailangan. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, target na gawing fully vaccinated ang 77 milyong Pinoy bago sumapit ang eleksyon sa Mayo

    PIPILITIN ng gobyerno na mapagtagumpayan ang target nitong mabakunahan laban sa covid 19 ang 77 milyong adults bago pa sumapit ang pinaka-aabangan na May 9, 2022 elections.     Ang anunsyo na ito ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na isiwalat ng pamahalaan ang bago nitong target para protektahan ang […]

  • Kasama sa Holy Week special programming: Movie nina LIZA at ENRIQUE, mapapanood na sa GMA ngayong Black Saturday

    NGAYONG long weekend, hatid ng GMA Network sa Kapuso viewers ang special Holy Week programming to keep connected in their faith and reflection habang magkakasama sa kani-kanilang tahanan.     Simula ngayong Maundy Thursday sa quick vacation via “Biyahe ni Drew” at 6 a.m.     Kasunod nito, muling balikan ang stories of His miracles […]

  • COVID-19 surge sa Cavite, Rizal, at Bulacan, bumabagal – OCTA

    ANG PAGTAAS ng mga kaso ng COVID-19 ay maaaring bumagal sa Cavite, Rizal, at Bulacan ngunit nasa maagang yugto pa rin ito sa ilang probinsya, ayon sa independent analytics group na OCTA Research.     Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na bumibilis pa rin ito sa Batangas at Isabela.     Sa […]