• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nude photo ni J.Lo, pinagkaguluhan social media

BREAKING the internet ang nude photo ni Jennifer Lopez na cover ng kanyang new single na “In the Morning.”

 

Nagkagulo sa social media dahil sa hubo’t hubad na photo ni J.Lo!

 

Bago i-drop ang new single, nagpatikim ang 51-year old singer-actress ng teaser video bilang pang-promo. Ang kanyang racy cover ay kuha nina Mert Alas at Marcus Piggott.

 

Proud si J.Lo sa kanyang nude photo dahil kita ang pinaghirapan niyang rock-hard abs at ang well-toned na signature J.Lo ass.

 

Proud din ang fiance niyang si Alex Rodriguez at pinost niya ang photo sa kanyang Instagram with matching fire emojis.

 

Kelan lang ay nagwagi si J.Lo sa E! People’s Choice Awards as The People’s Icon of 2020.

 

*****

 

DALAWA sa produkto ng StarStruck season 7 na kasama sa bagong online show na ‘The Cray Crew’ ng GMA YouLOL ang nakaranas ng anxiety at depression dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ito ay sina Allen Ansay at Abdul Raman na parehong breadwinner ng pamilya nila.

 

Si Allen na naging First Prince sa StarStruck Season 7 ay nagkaroon ng anxiety attack noong biglang nagkapandemya. Marami pa naman daw siyang gagawin na na out of town shows, pero nakansela raw lahat. Nakadagdag pa raw yung magkakasunod na bagyo na tumama sa kanyang hometown sa Camarines Sur.

 

“Nag-alala po ako sa family ko sa CamSur dahil ilang araw ko po silang hindi nakontak. Malaki po ang naging pinsala ng magkakasunod na bagyo sa probinsya namin. Pero noong nakausap ko na sila, nakampante na ako. Ang importante ay walang nasaktan sa pamilya ko,” sey ni Allen sa Zoom interview.

 

Si Abdul Raman naman na naging finalist sa StarStruck ay sobrang na-depress dahil tatlong shows na dapat na gagawin niya ay di natuloy. Nawalan pa raw siya ng internet at cell phone signal ng ilang buwan. Nitong bagyong Ulysses ay pinasok ng baha ang kanilang bahay sa Marikina na hanggang tuhod ang taas.

 

      “Hindi po biro ang mga nangyari sa ating lahat sa taong ito. Na-depress ako noong biglang nag-lockdown. Hindi ko alam kung may trabaho pa ba ako kasi lahat ng means of communications nawala sa akin.     “Tapos noong huling bagyo inabot kami ng baha. Pero sa kabila po ng mga yan, thankful po ako na walang sakit ang pamilya ko at nakakatanggap kami ng ayuda mula sa mga kaibigan.”

 

Ang good news ay may sasalihan na bagong teleserye sina Allen at Abdul na malaking tulong sa kanila financially.

 

*****

 

IKAKASAL na si Ina Feleo sa kanyang Italian fiance na si Giacomo Gervasutti, o mas kilala sa pangalang James Gerva sa December 1 sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

 

Ayon kay Ina, napili nila ang Pinto Art Museum dahil malapit ito sa Metro Manila at pwede silang magkaroon ng open air reception bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

 

20 people lang daw ang invited sa intimate wedding nila Ina at James. Para masunod nila ang social distancing. Hindi naman daw makakarating ang family ng groom na nasa Italy dahil sa pandemic.

 

      “Ang ginawa ko, namili lang talaga ako ng parang one from this family, another from this, and one from the film industry. So 20, yun na ‘yung parang maximum na.

 

      “Para sa family and friends ni James, ila-live stream namin yung wedding para mapanood nila sa Italy,” sey ni Ina.

 

Dream wedding talaga ni Ina ay sa Palawan kunsaan ang reception ay sa beach. Paplanuhin nilang mangyari iyon sa 2022.

 

Kasama ni Ina sa pag-asikaso ng wedding ay ang ina niyang ni Laurice Guillen. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Asian premiere on Sept. 17 sa The Theater at Solaire: RACHELLE ANN, muling magpi-perform sa award-winning musical na ‘Hamilton’

    MAPAPANOOD si Rachelle Ann Go sa award-winning musical na ‘Hamilton’ at muli niyang gagampanan ang role as Eliza Hamilton.     Sa pinost na video sa social media ng ‘Hamilton International Tour’, in-announce ang muling pag-perform ni Rachelle sa ‘Hamilton’ na ilang taon ding hindi nagtanghal sa West End dahil sa pandemic.     Nakalagay […]

  • South Korea dedesisyunan ng FIBA

    DEDESISYUNAN ng International Basketball Federation (FIBA) ang ipapataw nito sa South Korea matapos itong mag-withdraw sa 2023 FIBA World Cup Qualifiers.     Pormal nang natanggap ng FIBA ang sulat ng Korea Basketball Association (KBA) bilang paliwanag sa biglaan nitong pag-withdraw sa qualifiers na ginaganap sa Smart Araneta Coliseum.     “FIBA was informed by […]

  • Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant

    Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant.     Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga […]