• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Number coding, maaaring mapalawak sa Kalakhang Maynila ngayong Alert Level 1 na- MMDA

MAAARING lumawak pa ang number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong sumailalim na sa Alert Level 1.

 

 

Ang pahayag na ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay matapos na ianunsyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang National Capital Region at 38 iba pang lugar ay isasailalim sa “least restrictive quarantine classification” simula Marso 1.

 

 

Sinabi ni MMDA Special Operations Group head Bong Nebrija na maaaring palawakin ng ahensiya ang traffic scheme matapos na makita ang traffic volume sa Kalakhang Maynila.

 

 

“It may take 3 days to one week for us to get a volume count,” ayon kay Nebrija.

 

 

Ang kasalukuyang number coding ay ipinatutupad mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas alas-8:00 ng gabi tuwing weekdays, sakop ang mga private vehicles.

 

 

“Titignan natin if that still holds. Kailangan dagdagan sa umaga, kailangan ba natin gawin buong araw? Eh makikita po natin yan depende sa volume na makukuha natin on the first week,” dagdag na pahayag ni Nebrija.

 

 

Samantala, nakapagtala naman ang Pilipinas ng positivity rate na 5 percent, araw ng Linggo , kung saan pinakamababa para sa taong kasalukuyan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Daniel Craig, Shows More Skin Than Bond Girls In ‘No Time To Die’

    DANIEL Craig says that he shows off more skin than Bond girls do in his final outing as James Bond in the upcoming and long delayed No Time to Die.     Daniel Craig will show more skin in the upcoming No Time to Die than Bond girls, says     As the 25th installment in the iconic […]

  • Sa pagkamatay ni JoMa Sison: Marks end of an era, hopefully ends insurgencies

    SINABI ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkamatay ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison ay tanda ng  “end of an era” na inaasahan niya na   “end of insurgencies in the Philippines.”     Sa isang kalatas, nagpaabot ng pakikidalamhati si Duterte sa pamilya  Sison, ipinagdarasal niya ang kapayapaan […]

  • Malakanyang, pinangalanan ang mga bagong Marcos appointees sa DTI, NAP, DND

    INANUNSYO ng  Presidential Communications Office (PCO) ang bagong appointees ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ang mga bagong opisyal na itinalaga sa National Archives of the Philippines (NAP), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of National Defense (DND) ay sina: Victorino M. Manalo,  Executive Director ng NAP. Manalo,  humahawak ng […]