Number coding suspendido sa Biyernes
- Published on April 20, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding sa darating na Biyernes, dahil sa obserbasyon sa Eid’l Fitr o Piyesta ng Ramadan.
Ito ay bilang pagsunod sa inilabas na Proclamation No. 201 ng Malacañang na nagdedeklara sa Abril 21 bilang regular holiday dahil sa Ramadan.
Naglabas na rin ng Facebook post sa kanilang page ang MMDA para sa pansamantalang suspensyon ng number coding scheme upang gabayan ang mga motorista.
Dahil dito, para sa mga may plano na magbakasyon sa darating na bagong long weekend, pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na planuhing mabuti ang kanilang biyahe at maging maingat sa pagmamaneho para makaiwas sa aksidente.
Ang Eid’l Fitr ang hudyat ng pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno dahil sa Ramadan na isinasagawa ng lahat ng Muslim sa buong mundo.
-
Ads August 11, 2022
-
Nagluluksa rin sa pagpanaw ng dating manager: KRIS, sising-sisi at nanghinayang na ‘di nag-reach out kay DEO
SISING-SISI at nanghinayang si Kris Aquino na hindi man lang siya nag-reach out noong nabubuhay pa ang yumaong si Deo Edrinal. Sa kanyang Instagram post, isang mahabang mensahe ng pagpupugay ang isinulat ni Kris na kay Deo. Ibinahagi ni Kris ang kanyang panghihinayang na hindi man lang nakarating sa kanya nang lumalala na ang kalusugan […]
-
BEST tankers hakot pa ng 4 golds sa Japan
HINDI maawat ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) na humakot pa ng apat na gintong medalya tampok ang tatlong ginto mula kay Kristian Yugo Cabana sa pagpapatuloy ng 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginaganap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan. Walang nakatibag sa Lucena City pride na si […]