NUMERO sa COVID19, IPALIWANAG NANG MALAMAN ang KATOTOHANAN
- Published on April 20, 2021
- by @peoplesbalita
Naglabas ng bagong numero ang Department of Health para sa date na Abril 18, 2021, tungkol sa COVID 19:
New cases – 10, 098
Death –
RECOVERED – 72, 607
Sa kabuuan, ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas ay 936,133. Pero 779,084 dito ay gumaling at ang namatay ay 15,960. Kung ganun karami ang gumagaling sa COVID19 ano ang naging lunas nila? Paano gumaling? Ilan sa mga ito ang na ospital at napagaling doon at ilan naman ay nag self-medication at uminom ng mga alternatibong medisina? Hindi naman lahat ng 779,084 ay sa ospital gumaling. Ayon sa pamahalaan, isang dahilan kaya bumabalik tayo sa ECQ ay dahil awas na ang pasyente sa mga ospital kaya hindi na kaya ng bed capacity ng mga ospital. Kung ganun mahalaga na malaman kung ano ang ginawa ng 779,084 para talunin nila ang covid 19. Ilan ba ang mild o asymptomatic sa mga ito at ilan yung severe na gumaling. Mahalagang malaman ng mga tao ito para hindi umasa lamang sa ospital. Kung malalaman ang epektibong self-medication, malaking tulong sa naghihingalong health care system natin. Punta naman tayo sa deaths – ang total ay 15,910. Wala pang dalawang porsyento ito ng kabuuang kaso. At kung paniniwalaan ang maraming reklamo laban sa ilang doktor at hospital – pinamimili ang pamilya ng namatayan kung ok lang na ilagay na cause of death ay COVID19 – malamang mas mababa ang bilang nito. Ilan sa mga nasawi ang talagang may malubhang karamdaman o inatake dahil sa takot na nag positive o dahil na rin sa katandaan. Dapat malaman ito upang extra ingat ang mga seniors at may mga malubhang karamdaman. Hindi lang bilang ang dapat natin malaman kundi kung ano ang istorya sa bawat bilang. Kung malalaman natin ito at mapapabilis ang pagbabakuna ay tatalunin natin ang COVID19 ng hindi nasisira ang economic life ng mga tao. Marami ang nawalan ng trabaho. Nagkautangutang na ang gobyerno at tila nagtatalu-talo na ang mga experto at pulitiko. TAMANG IMPORMASYON ang kailangan. Hindi pananakot. Hindi panggigipit. Maraming bansa ang nakabangon na sa problemang dulot ng COVID19. At maging sa mga bansang yun ay marami rin ang pasaway. Pero nanaig sila dahil pinatutupad nila ang polisiya at yung sapat lang para talunin ang virus at inalagaan pa rin nila ang kabuhayan ng mga tao. Mahirap balansehin yan kung walang sapat na pag-aaral sa problema. Kaya ang apela po naming sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) malaman po natin ang lunas na ginawa ng malaking bilang na 779, 084 recoveries at alamin natin ang tunay na cause of death ng 15,960. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
PBBM prayoridad ang pagbabalik bansa ng Pinay drug mule convict
TUMANGGI muna magbigay ng pahayag ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa “Pardon” na posibleng ibibigay sa Pinay drug mule convict na si Mary Jane Veloso. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na sa ngayon ang prayoridad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ang pagbabalik sa bansa ni Veloso na nakakulong sa bansang […]
-
PBBM, binisita ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City
BINISITA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga pamilyang lumikas sa Barangay Malanday Evacuation Center sa Valenzuela City dahil sa bahang idinulot ng habagat at bagyong Carina. Pinangunahan din ni PBBM ang pamamahagi ng suporta ng pamahalaan sa mga nasalanta.
-
Singapore Airlines magbabawas din ng mga empleyado
Magbabawas ng 4,300 na empleyado ang Singapore Airlines dahil sa epekto pa rin ng coronavirus. Ang nasabing bilang ay 20% workforce ng nasabing airline company. Apektado dito ang regional carrier nito na SilkAir at budget airline na Scoot. Sinabi ni Singapore Airlines’ chief executive Goh Choon Phong, na masakit sa loob nila […]