Nurses, health workers nagbanta ng mass resignation
- Published on August 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbanta ang mga nurses at healthcare workers na magsasagawa ng ‘mass resignation’ kung patuloy na hindi nila matatanggap ang ‘special risk allowance’ mula sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Filipino Nurses United (FNU) president Maristela Abenojar, tototohanin na ng mga nurses partikular sa mga pribadong pagamutan ang banta na mass resignation dahil noong nakaraang taon pa hindi nailalabas ang naturang benepisyo.
Partikular ito sa special risk allowance (SRA) na nakapaloob sa Bayanihan Law para sa mga medical frontliners na P5,000 kada buwan.
Bukod dito, giit rin ng mga private nurses na tulad ng mga nurse sa mga pampublikong pagamutan, mabigyan rin sila ng active hazard duty day (AHDP) na P3,000 kada buwan.
“Under the Bayanihan, only those in the public sector shall receive AHDP. But when they attend to COVID-19 patients, it does not matter if you are from private or government. The risk is the same,” paliwanag pa ni Abenojar.
Sinabi naman ni Alliance of Health Workers (AHW) president Robert Mendoza na may ilan na rin sa kanila ang nag-iisip nang mag-early retirement dahil wala namang sapat na proteksyon na natatanggap sila sa pamahalaan.
Nagbanta siya na babagsak ang healthcare system kapag itinuloy ng mga medical frontliners sa pribadong sektor ang kanilang mga banta.
Tugon naman ni DOH Secretary Francisco Duque III na unti-unti nang inilalabas ang mga hinihinging mga benepisyo ng pribadong medical workers. (Gene Adsuara)
-
‘Di kinaya ang unexpected and unforgettable moment: SHARON, naiyak sa sobrang tuwa nang ma-meet ang idolong si TAEMIN
HINDI nga nahiya si Megastar Sharon Cuneta na i-post ang larawan niya na nakaupo sa lapag habang umiiyak sa labis na kaligayahan. Matapos ito na ma-meet niya ng personal at anang iniidolong K-pop star na si Taemin, na isa sa member ng sikat na South Korean boy band na SHINee. Caption […]
-
Dahil sensitibo ang tema ng musical film: CASSY, medyo pressured at may takot sa magiging response ng tao
EXCITED si Cassy Legaspi na mapasama sa musical film na ‘Ako Si Ninoy’. “Ang daming first—first movie, first musical. Of course, medyo pressured ako or medyo takot ako sa mga response ng tao. “Pero at the same time, I am very, very proud of what we did here and of what I did […]
-
2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps. Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians […]