• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON

ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.

 

 

Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong alas-7:06 ng umaga.

 

 

Sa pahayag ng tiyuhin ng biktima na si Candido Manalang, may-ari ng bahay na pinagmulan ng apoy, nalaman na lang niya sa isa pa niyang batang pamangkin na nagliliyab ang nakabukas nilang bentilador matapos magtatakbong lumabas ng bahay ang bata.

 

 

May hinala naman ang Malabon Bureau of Fire Protection (BFP) na pagkakalanghap ng makapal na usok ang ikinasawi ng dalaga na mahimbing ang pagkakatulog nang sumiklab ang sunog.

 

 

Ayon kay Malabon BFP F/Insp.  Michael Jacinto, nagawa nilang makontrol ang sunog na umabot ng ikalawang alarma dakong alas-7:57 hanggang tuluyang maapula ng alas-8:12 ng umaga.

 

 

Pitong bahay ang tinupok ng apoy at siyam na pamilya ang naapektuhan na pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng Barangay Tugatog habang hindi pa batid ng Malabon BFP ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog. (Richard Mesa)

Other News
  • Mass resignation sa AFP, namumuo?

    KUMAKALAT ngayon ang alingasngas sa umano’y mass resignation ng mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakaluklok na Chief of Staff at muling ibalik ang heneral na dati nang namaalam sa posisyon.     Ayon sa kumakalat na report, namumuo ang destabi­lisasyon matapos i-reappoint ni […]

  • Paghihigpit sa protocol ‘di na kailangan – health expert

    HINDI na kailangang higpitan ang pagpapairal ng protocol laban sa COVID-19 kahit na may paglitaw ng bagong Omicron subvariant sa Pilipinas.     Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, wala namang indikasyon sa ngayon na tataas ang kaso ng COVID na maaaring maging banta sa kalusugan ng maraming mamamayan.     “Sa ngayon, ang nakikita naman […]

  • Skilled sexy assassin pala ang magiging role… KATRINA, super shocked at nahirapan sa mga trainings para sa ‘Black Rider’

    NATATAWANG kinuwento ni Katrina Halili na hindi niya kaagad nalaman na skilled sexy assassin ang magiging role niya sa upcoming Kapuso drama-action series na Black Rider.       Kinuwento ni Katrina ang kanyang naging paghahanda sa kanyang role bilang si Romana.       “Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga […]