• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena lumakas ang tsansa sa Olympic gold

Maaaring lumakas ang pag-asa ni Pinoy pole vaulter Ernest John Obiena para sa ikalawang Olympic gold medal ng Pilipinas sa Tokyo, Japan.

 

 

Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) sina American two-time world champion Sam Kendricks at German Chiaraviglio ng Argentina na nagtanggal sa kanila sa kompetisyon.

 

 

“We are saddened to confirm that Sam Kendricks tested positive for Covid-19 and will not compete in the Olympic Games Tokyo 2020,” pahayag kahapon ng US Olympic and Paralympic Committee (USOPC) sa isang statement sa Twitter.

 

 

Si Kendricks ang kasalukuyang World No. 2 pole vaulter na lumundag ng gold medal sa nakaraang dalawang World Cham­pionships at may hawak na American record na 6.06 metro.

 

 

Maliban kay Kendricks, makakasukatan din ni Obiena sa Tokyo Games sina Swedish world record holder Armand Duplantis at 2016 Rio de Janeiro Olympics gold medalist Thiago Braz ng Brazil.

Other News
  • Pagpayag sa NFA na bumili, magbenta ng bigas, hakbang para maging matatag ang presyo ng kalakal-DA

    MULING inulit ng Department of Agriculture (DA) na ang hakbang na muling payagan ang National Food Authority (NFA) na bumili at magbenta ng mas murang bigas ay pinaniniwalaang magiging dahilan ng pagtatag ng presyo kapag ang retail price ay “masyadong mataas .”     Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na […]

  • COVID-19 tumaas ng 36 percent – DOH

    PATULOY  ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,821 bagong kaso mula ­Disyembre 5 hanggang 11.     Ito ay mas mataas ng 36 percent kung ikukumpara sa mga kasong naitala noong Nobyembre 28 hanggang Disyembre 4.     Sa national COVID-18 case bulletin, nasa […]

  • IRR ng Maharlika fund, isinapinal na-PBBM

    ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito.     “The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa kanyang Instagram.     “Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, […]