• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena pagkatapos ng Olympics magpapabakuna

Habang atat ang mga atletang maturukan ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine ay nagdadalawang-isip naman ang kampo ni Olympic Games-bound pole vaulter Ernest John Obiena.

 

 

Sinabi ng tatay ni O­biena na si Emerson na may masamang epekto sa atleta ang COVID-19 vaccine base sa kanilang pagtatanong.

 

 

“Base sa mga pagtatanong nila sa ibang atleta na nakapagpa-vaccine na, may mga reactions doon sa vaccines na minsan umaabot ng 10 days na hindi maganda iyong pakiramdam ng atleta,” ani Emerson kahapon sa PSA Forum online edition. Plano rin ni Olympic-bound gymnast Carlos Edriel Yulo na magpabakuna matapos ang 2021 Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan.

 

 

“Sa ngayon hindi pa sila makapag-confirm kung magpapa-vaccine o hindi kasi iyong 10 days na hindi ka makapag-training malaki ang effect noon sa preparation for the Olympics,” ani Emerson.

 

 

Nagbalik na sina O­biena at legendary mentor Vitaly Petrov sa kanilang training camp sa Formia, Italy matapos sumabak sa Gemany, Sweden, Netherlands at Poland.

Other News
  • SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang

    LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang  ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng  adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa  24% noong December 2021.      Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang […]

  • JULIE ANNE, iwas na iwas na pag-usapan ang break-up nina RAYVER at JANINE

    THANKFUL si Julie Anne San Jose sa GMA Network sa pinakahihintay na ng mga fans niya, ang second leg ng Limitless, A Musical Journey on Saturday, November 20.     “Heal” ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The […]

  • Bago ang SONA ni PBBM: Senador Zubiri, binigyang-diin ang mga kritikal na isyu para sa mga Pilipino

    HABANG naghahanda ang bansa para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na magaganap ngayong Hapon, Hulyo 22, binigyang-diin ni Senador Juan Miguel “Migz” Zubiri ang mga kritikal na paksa na inaasahan niyang tatalakayin ng Pangulo, na sumasalamin sa mga pinakapilit na alalahanin ng mga Pilipino ngayon. “The country’s […]