Obiena papalitan bilang flag bearer sa Tokyo Games
- Published on July 15, 2021
- by @peoplesbalita
Sa inilabas na direktiba ng Tokyo Olympic Games Organizing Committee (TOGOC) ay kailangang nasa Japan na ang mga flag bearers 48 oras bago ang opening ceremonies sa Hulyo 23.
Dahil dito ay inaasahang papalitan ng Philippine Olympic Committee (POC) si national pole vaulter Ernest John Obiena bilang isa sa dalawang flag bearers ng Team Philippines.
Nakatakdang dumating ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist sa Tokyo sa araw mismo ng opening ceremonies.
“Nire-require na ang mga flag bearers natin na dapat nandoon (Japan) na sila 48 hours before,” wika kahapon ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa online edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum. “Ang dating ni EJ is 2:30 ng 23.”
Bukod kay Obiena, hinirang din ng POC si Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe bilang flag bearer ng delegasyon.
“With that, ipinaalam ko na sa athletics (association) na baka at malamang mapalitan ang flag bearer natin because of the recent development sa Tokyo,” wika ni Tolentino kay Obiena.
Inaasahang ihahayag ng POC ang kapalit ni Obiena ngayong araw.
Sina Obiena at Watanabe ay kabilang sa 19 national athletes na pupuntirya sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.
-
Kapalaran ng Pacquiao-Crawford bout malalaman ngayong linggo – Arum
Malalaman umano ngayong linggo kung matutuloy ba o hindi ang nilulutong bakbakan sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Terence Crawford. Ayon kay Top Rank Promotions CEO Bob Arum, mayroon daw investor na handang maglabas ng pera para sagutin ang napakamahal na site fee matuloy lamang ang nasabing megafight. “Somebody is […]
-
JACLYN, interesado rin na mag-audition sa Walt Disney Studios para sa hinahanap na Filipino lola
INTERESADO rin pala si Kapuso actress Jaclyn Jose na mag-audition para sa Walt Disney Studios, na naghahanap ng isang Filipino lola para maging part ng cast ng project na gagawin nila. Sa interview kay Jaclyn last Tuesday evening sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, naikuwento niya na gusto niyang mag-try “Nang malaman […]
-
Speaker Romualdez ikinalugod ang positibong forecast ng WEF na maging $2-trillion ang ekonomiya ng Pilipinas
IKINALUGOD ni Speaker Martin Ferdinand Martin Romualdez ang positibong pagtaya ng World Economic Forum (WEF) na ang Pilipinas ay posibleng maging $2-trillion economy sa susunod na dekada. Ang inaasahang paglago ng ekonomiya ay maihahanay sa bansang Canada, Italy, at Brazil. Sinabi ni Speaker Romualdez na ang projection ni World Economic Forum, […]