Obiena pumayag na makipag-ayos sa PATAFA
- Published on February 9, 2022
- by @peoplesbalita
HANDANG makipag-ayos si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) at nais din nitong maging bahagi ng national team.
Sinabi nito na gaya aniya ng naging mungkahi niya noong sa PATAFA na magiging maayos na ang kaniyang magiging liquidation o kapag may mga panibagong pondo itong makuha.
Sa ginawang pagdinig sa senado ng sports and finance committee na kagustuhan niya ang maging bahagi ng national team para maging representante ng bansa.
Magugunitang noong Nobyembre ay inakusahan si Obiena na nameke ng mga liquidation kaya ipinapabalik sa kaniya ang mahigit P4.8 milyo na nakalaan sa pagpapasahod sa kaniyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.
Maging si PATAFA president Philip Juico ay nagpahayag ng kaniyang kagustuhan na magkaroon na rin ng pag-aayos.
-
Football legend Diego Maradona, nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa coronavirus ang Argentinian football legend na si Diego Maradona. Kinumpirma ito ng kaniyang abogadong si Matias Morla matapos isagawa ang swab test sa kaniyang bahay. Nais kasi ng 59-anyos na dating striker na mapanatag ang loob kaya sumailalim ito sa testing. Itinuturing na greatest foot- ball player of all time […]
-
Ilang US Olympic gymnasts binatikos ang FBI sa pagbalewala sa reklamo na sexual harrasment
Binatikos nina US Olympic gymnasts Mckayla Maroney at Simone Biles ang FBI at Justice Department dahil sa hindi nila pinaniwalaan ang kanilang sumbong na sexual harrasment laban sa dating coach na si Larry Nassar. Sa ginawang pagdinig sa Senate Judiciary Committee sinabi ng dalawang atleta na hinayaan ng mga otoridad na maging malaya […]
-
Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong
HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso. Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019. Subalit, nabigo namang maipasa ang […]