• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obiena umaasang muling makakasama sa Philippine team

SA pagbabago ng liderato ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ay umaasa si World No. 3 pole vaulter Ernest John Obiena na muli siyang mapapasama sa national team.

 

 

Nagbitiw si Philip Ella Juico sa kanyang puwesto bilang PATAFA president noong Hunyo para tutukan ang ‘personal and business interests’ niya at pinalitan ni secretary-general Terry Capistrano.

 

 

Hindi miyembro ng Philippine national team ang 6-foot-2 pole vaulter bagama’t kabi-kabilang karangalan ang kanyang ibinibigay sa bansa.

 

 

“It would be nice if I’ll be back,” sabi ni Obiena, nakaaway si Juico dahil sa isyu sa paggamit ng pondo, sa panayam ng “Off The Record” ng ABS-CBN. “Hopefully, the board would be able to see that. And the new admi­nistration will make it happen.”

 

 

Kabilang rito ang bronze medal sa 2022 World Athletics Championships sa Eugene, Oregon na siyang kauna-unahang medalya ng bansa sa nasabing event.

 

 

“I hope that things that are not ironed out will be ironed out. I mean, I’m still out of the team. I’m still, for some reason, out of the national team for I don’t know why,” wika ng 26-anyos na Asian at Southeast Asian Games record-holder.

Other News
  • Ads November 25, 2022

  • Kamara sisilipin senior, PWD discounts ng Grab

    NAGHAIN si Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo Ordanes ng isang resolusyon na imbestigahan ang hindi tamang pagpapatupad ng senior citizen at persons with disabilities (PWD) discounts ng Grab at iba pang ride-hailing at food delivery companies.     Sa kanyang House Resolution No. 2134, nais ding tingnan ni Ordanes ang mga alegasyong pinapasagot umano ng […]

  • Australian Olympian break dancer Rachel Gunn nag-sorry na sa breakdancing community ng kanilang bansa

    HUMINGI na ng paumanhin si Australian Olympian Rachael Gunn sa breakdancing community ng kanyang bansa.     Kasunod ito sa kontrobersiya na kaniyang kinaharap noong lumahok siya sa Paris Olympics.     Nabigo kasi siya sa B-Girls competitions ng magtala ng zeo points.     Dagdag pa ng 36-anyos na breakdancers na nalulungkot siya na […]