• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Obrero na pagala-gala habang armado ng baril sa Malabon, pinosasan

SHOOT sa selda ang isang construction worker matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang gumagala sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naarestong suspek na si Noel Roman, 36, construction worker ng Block 40-I, Lot 11, Phase 3-E2, Barangay Longos, Malabon City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi Col. Daro na habang nagsasagawa ng routine patrol ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa Brgy. Longos nang isang BIN informant ang lumapit at inireport sa kanila ang suspek na armado ng baril habang gumagala sa kaabaan ng C4 Road.

 

 

Kaagad rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis kung saan nakita nila ang suspek na tila may inaabangan sa kanto ng Pampano St., Brgy. Longos dakong alas-4:00 ng madaling araw habang armado ng baril kaya maingat nila itong nilapitan saka sinunggaban ang hawak na isang cal. 38 revolver na may tatlong bala.

 

 

Nang hanapan ng mga kaukulang dukomento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang pinosasan siya ng mga pulis.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act). (Richard Mesa)

Other News
  • Libreng birth certificate, clearance ng PWDs, solo parents isinulong

    PARA mabawasan ang mga gastusin ng mga persons with disability (PWD) at mga solo parents sa paghahanap  ng trabaho, maghahain ngayong Lunes ang ACT-CIS Partylist ng batas para gawing libre na ang mga dokumento bilang job requirements para sa sektor na ito.       Ayon kay ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader  Erwin […]

  • KAHIT MAY PANDEMYA, ELEKSIYON TULOY

    SA kabila ng pandemya dulot ng COVID-19, itutuloy pa rin ang 2022 presidential polls sa itinakdang petsa.     Ito ang sinabi Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang interview sa radyo.     Tiniyak ng poll chief sa publiko na gaganapin pa rin ang halalan sa May 9,2022 .     Sinabi pa ni Jimenez […]

  • DOTr gusto ibaba sa P9 minimum na pasahe sa jeep

    IMINUNGKAHI ng Department of Transportation (DOTr) ang ilang diskwento sa pamasahe ng mga pampublikong transportasyon gaya ng jeep, bus at UV Express — pero pansamantala lang ito kapalit ng pagtanggal ng “Libreng Sakay” sa EDSA Carousel.     Martes nang ibalita ito ng GMA News, bagay na base raw sa memorandum ng DOTr sa Land […]