• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERO SA MALACANANG, NAKURYENTE

NASAWI ang isang 21 anyos na construction worker nang makuryente matapos hawakan ang steel scaffolding sa kanilang barracks  sa loob ng Malacanang Park Huwebes ng hapon.

 

 

Kinilala ang biktima na si Leonard Bulado Jr y Llanto,binata, tubong Masbate City at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng  Malacanang.

 

 

Sa ulat ni PSMSgt Jason Ibasco ng Manila Police District (MPD)-homicide section, bumalik umano ang biktima sa construction site matapos silang mag-break-time  nang biglang makuryente matapos mahawakan ang steel scaffolding.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa PSG Station Hospital  ng kanyang kapatid ngunit hindi na ito naisalba pa.

 

 

Patuloy naming iniimbestigahan ang insidente  habang hinihintay ang kanyang otopsiya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Col. Umipig bagong hepe ng Valenzuela City Police

    MALUGOD na tinanggap ng Valenzuela City ang bagong upong hepe ng pulisya ng lungsod na si P/Col. Allan B Umipig sa isinagawang turnover ceremony na ginanap sa Valenzuela City Police Station (VCPS) Headquarters noong May 9, 2024.     Si Col. Umipig ay itinalaga bilang bagong officer-in-charge ng Valenzuela City Police, kapalit ni out-going Chief […]

  • Kauna-unahang gamot laban sa COVID-19, inaprubahan na sa China

    Inanunsyo ng Zhejiang province sa China na inaprubahan na ang kauna-unahang gamot na makatutulong daw sa mga pasyente laban sa deadly virus na novel coronavirus.   Ayon sa Taizhou government sa Zhejiang ang gamot na Favilavir, na dati ang pangalan ay Fapilavir, ay maituturing daw na epektibo bilang antiviral ay aprubado na para ibenta sa […]

  • Ads September 5, 2022