OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA
- Published on July 10, 2021
- by @peoplesbalita
BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park .
Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na district hospital sa lungsod o nasa 116 covid beds ang okupado sa kabuuang 344 inilaan na covid beds para sa mga pasyente na may severe at critical condition dahil sa sakit na COVID-19.
Habang nasa 4% na lamang ang occupancy rate o nasa 32 beds ang okupado sa kabuuang bilang na 870 bed capacity para sa mga asymptomatic covid positive cases sa mga quarantine facilities sa lungsod.
Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na isa sa mga layunin sa pagpapatayo ng nasabing field hospital ay upang maging “covid free” ang mga ospital sa lungsod upang ang mga pasyente na may ibang sakit ay muling makabalik at makapagpatingin o makapagpagamot sa mga pagamutan.
Sa huling datos, nasa 14% occupancy rate ang Manila COVID-19 field hospital kung saan okupado ang 49 na kama na inilaan para sa mga pasyenteng may mild at moderate symptoms ng COVID-19 kung saan may kabuuang bilang ito na 344 covid beds.
Samantala, nasa kabuuang 1,124 aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala ngayon sa lungsod kung saan nangunguna ang area ng Sampaloc at Tondo 1 sa pinakamadaming naitalang aktibong kaso nito na umaabot sa parehong bilang na 214. (GENE ADSUARA)
-
PBBM, itinalaga si Police Maj. Gen. Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 PNP Chief
PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Police Major General Rommel Francisco Marbil bilang pang-30 Hepe ng Philippine National Police (PNP). Pinalitan ni Marbil si Police General Benjamin Acorda Jr. na nagtapos ang termino dahil sa kanyang pagreretiro kahapon, araw ng linggo, Marso 31, 2024. “Police Major General Rommel Francisco […]
-
2 Comelec commissioners, pinangalanan na ni PBBM
PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang komisyonado ng Commission on Elections (Comelec) sa katauhan nina Atty. Ernesto Maceda Jr. at reappointed engineer Nelson Celis. Tinintahan ni Pangulong Marcos ang apppointment papers nina Maceda at Celis noong Oktubre 3. Si Celis ay reappointed matapos na ma-bypassed ng Commission on […]
-
PDu30, naglaan ng P3.5 bilyon para sa national ID
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang gabinete ang karagdagang pondo para sa pagpaparehistro ng 20 milyong mamamayang Filipino sa national ID system sa susunod na taon. P3.52-billion additional budget ang inilaan para sa 2021 para irehistro mahigit 20 milyong indibidwal maliban sa 50 milyong target sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon […]